Kardiolohiya
Ang palapusuan[1] kardiolohiya[2] (Ingles: cardiology (mula sa Griyegong καρδίᾱ, kardiā, "puso"; at -λογία, -logia) ay ang pag-aaral at panggagamot ng mga sakit na nauukol sa puso. Ito ang sangay ng panggagamot na panloob o medisinang internal na hinggil sa mga karamdamang pangpuso at mga daluyan ng dugo. Karaniwang nahahati ang larangan sa mga sangay ng depektong konhenital ng puso, koronaryong sakit ng puso, kabiguang panggawain ng puso, at elektropisyolohiya. Kardiyologo o kardiyolohista ang tawag sa mga manggagamot na nagpapakadalubhasa sa larangang ito. Hindi dapat ikalito ang mga kardiyologo mula sa mga maninistis ng puso o siruhanong kardiyako na mga siruhikong duktor na nagsasagawa ng siruhiyang pangpuso o mga gawain at hakbang sa pag-oopera ng puso at mga malalaking ugat na daluyan ng dugo. Hinango ang salitang kardiolohiya sa Griyegong καρδιά (transliterasyon ng kardia at nangangahulugang puso o panloob na sarili).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.
- ↑ "Cardiology," kardiolohiya Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.