Karismatikong awtoridad

Ang karismatikong awtoridad ay isang uri ng samahan o pamunuan kung saan hango ang kapangyarihan mula sa karisma ng namumuno. Binigyang depinisyon ni Max Weber ang karismatikong awtoridad, bilang "nakasalalay sa debosyon sa katangi-tanging kabanalan, pagkabayani, o ulirang karakter ng isang indibiduwal, at ang mga normatibong kaparisan, o ang utos na ibinunyag niya." Ang depinisyong ito ay nasa mga sanaysay ni Weber na Ang Pulitika Bilang Bokasyon (Politics as a Vocation) at Disiplina at Karisma (Discipline and Charisma), pati na rin sa iba pang mga isinulat ni Weber.

Ang konseptong ito ay ginamit na ng pangkalahatang mga sosyolohista. Kabilang sa ibang mga ginagamit na termino ay "karismatikong dominasyon" at "karismatikong pamumuno."

Mga katangian

baguhin

Ginagamit ni Weber ang terminong karisma sa (isang) tiyak na katangian ng isang personalidad, kung saan siya ay may kaibahan sa mga ordinaryong tao at itinuturing na biniyayaan ng higit sa likas, higit sa tao, o kahit man lamang partikular na bukod-tanging kapangyarihan o mga katangian. Ang mga ito ay dapat hindi kayang abutin ng mga ordinaryong tao, pero itinuturing na may banal na pinagmulan o bilang karapat-rapat na tularan, at base sa mga nabanggit, ang indibiduwal na iyon ay itinuturing na lider. Kung paano man malalaman ang partikular na katangian, kung ito may ay hinuhusgahan gamit ang kung ano ang nasa wasto, maganda, o kung ano pa mang ibang pananaw, ay natural na hindi pinakikialaman ng mga isyu ng may totoong kahulugan.