Karit (isang kamay)
Ang karit ay isang kagamitan agrikultural na hinawakan. Ito ay may kurbang talim at kalimitang ginagamit sa pag-gapas ng mga butil o pagputol ng mga damo para sa dayami. Ang talim nito ay nasa loob para magamit sa pagputol ng puno ng halaman. Sabay nitong hinihila at pinuputol ang puno ng halaman. Ang puputuling bagay ay maaaring hawakan ng malayang kamay, ng isang patpat o kaya hindi na lang hahawakan (tulad sa pangagagapas). Kung hahawakan ang bagay ay papunta sa tagagamit. Kung hindi hahawakan, ang pagputol ay papalayo sa tagagamit.
Ang talim ng karit ay nakabaliko sa isang gilid upang lalo itong mapalapit sa lupa. Dahil dito ay kanan ito o kaya minsan ay kaliwete. Ang panggapas na karit ay malimitang serrated.
Ang karit ay pinalitan na ng karit na dalawang kamay na mas madaling gamitin. Subalit ginagamit pa rin ito sa ibang ng mundo o kaya sa mga lugar na ang pangdalawang kamay na karit ay hindi madaling magagamit. Ang malaking pagkakaiba ng pang-isang kamay at pangdalawang kamay na karit ay mas mahaba ang hawakan at talim ng pangdalawang kamay na karit at ginagamit ito ng nakatayo.
Ang talim ng karit na ginagamit sa mga pagputol ng katawan ng mga seryal na halaman na mayaman sa silica ay nagkakaroon ng sickle-gloss, isang uri ng pagpurol. Kapag nakikita ito sa mga sinaunang batong kasangkapan, nagpapakita ito ng pagunlad ng agrikultural na paggamit.
Sa mga alamat ng mga Griyego, ang karit ay sandata na ginagamit ni Cronus at Perseus.
Iba pang gamit
baguhin- Ang karit ay bahagi ng isang kilalang simbolo, ang Martilyo at karit. Ito ay simbolo ng Komunismo o Rebolusyonaryong Sosyalismo. Ang karit ay sumisimbolo sa mga mangagawang agrikultural.
- SS-25 Sickle ay isang Pangulat na pangalan ng NATO para sa RT-2PM Topol intercontinental ballistic missile.
- Sinasabi ni Tacitus na mga gintong karit ay ginagamit ng mga ritwal ng mga Druid.
Silipin din
baguhinAng artikulo na ito ay isinalin mula sa " Sickle " ng en.wikipedia. |