Buksan ang pangunahing menu

Si Karl Otto Lagerfeld (Aleman: [ˈkaʀl ˈlaːgɐˌfɛlt]; 10 Setyembre 1933   - 19 Pebrero 2019) ay isang Aleman na creative director, fashion designer, artist, potograpo, at caricaturist na nanirahan sa Paris.[1][2]

Karl Lagerfeld
Fendi store opening - Karl Lagerfeld (14091153382).jpg
KapanganakanKarl Otto Lagerfeldt
10 Setyembre 1933
Kamatayan19 Pebrero 2019
PagkamamamayanAlemanya
Hanapbuhayfashion designer, potograpo, pabliser, postage stamp designer, costume designer, fashion photographer, mananahi, tagatipon
Lagda

Siya ay nakilala bilang creative director ng French fashion house Chanel, na naging posisyon niya mula 1983 hanggang sa kanyang kamatayan, at naging creative director ng Italian fur at leather goods fashion house Fendi, at ng kanyang sariling kapangalang fashion label. Nakipagtulungan siya sa iba't ibang mga proyektong may kaugnayan sa fashion at art.

Nakilala si Lagerfeld para sa kanyang pansariling estilong puting buhok, itim na sunglasses, guwantes na walang daliri, at mataas, inalmirol, at nababaklas na kuwelyo.

SanggunianBaguhin

  1. "Fashion designer Lagerfeld dead at 85". BBC. 19 February 2019.
  2. Karl Lagerfeld – fashion designer and icon | DW Documentary, Deutsche Welle, 2014