Kartilya ng Katipunan
Panimula ng Unang Edisyon ng Kartilya
baguhinKATIPUNAN
NAN͠G MG̃A
A. N. B.
SA MAY NASAN͠G MAKISANIB SA KATIPUNAN͠G ITO
Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasok sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin.
Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) sa pamamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasan ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuwiran at Kalinawagan.
(*) Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din.
Mga Turo ng Katipunan
baguhin1. “Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi (man) damong makamandag." (A life that is not dedicated to a noble and divine cause is like a tree without a shade, if not, a poisonous weed.) (May ilang libro na ang nakasulat ay "Ang buhay na hindi inialay sa dakilang layunin ay punungkahoy na walang lilim.")
2. "Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan." (A deed that is motivated by self-interest or self-pity and done without sincerity lacks nobility.)
3. "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran." (True piety is the act of being charitable, loving one's fellowmen, and being judicious in behavior, speech and deed.)
4. "Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao." (All [people] are equal, regardless of the color of their skin; While one could have more education, wealth or beauty than the other, none of them can overpass one's identity.)
5. "Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri." (A person with a noble character values honor above self-interest, while a person with a base character values self-interest above honor.)
6. "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa." (To a [person] that respects, his/her word is a pledge.)
7. "Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na'y di na muli pang magdadaan." (Do not waste your time; lost wealth can be retrireved, but time lost is lost forever.)
8. "Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin (labanan) ang umaapi." (Defend the oppressed and fight the oppressor)
9. "Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim." (A wise man is someone who is careful in all that he says; learn to keep the things that need to be kept secret.)
10. "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din." (Ang simula nito'y obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, ang katumbas nito ay ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa samâ, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.") (In the thorny path of life, the man leads the way and his wife and children follow; If the leader goes the way of evil, so do the followers.)
11. "Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.” (Never regard a woman as an object for you to trifle with; rather you should consider her as a partner and a friend in times of need; Give proper considerations to a woman's frailty and never forget that your own mother, who brought you forth and nurtured you from infancy, is herself such a person.)
12. "Ang di mo ibig gawin (ng iba) sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba." (Don't do to the wife, children and brothers and sisters of others what you do not want done to your wife, children and brothers and sisters.)
13. "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpapaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan." (A (person's) worth is not measured by his/her station in life, neither by the height of his nose nor the fairness of skin, and certainly not by whether he is a priest claiming to be God's deputy. Even if he is a tribesman/tribeswoman from the hills and speaks only his/her own tongue, a (person) is honorable if he/she possesses a good character, is true to his/her word, has fine perceptions and is loyal to his/her native land.)
14. "Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan." (When these teachings shall have been propagated and the glorious sun of freedom begins to shine on these poor islands to enlighten a united race and people, then all the loves lost, all the struggle and sacrifices shall not have been in vain.)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.