Kasalanan ng kanunuan

Ang kasalanan ng kanunuan o kasalanan ng kanunu-nunuan ay ang paksa ng isang doktrinang Kristiyanong itinuturo ng Silanganing Ortodoksiyang Simbahan. May mga dalubhasang tumuturing dito bilang pagkiling patungo sa kasalanan, isang mana mula sa kasalanan ng mga kanunu-nunuan.[1] Sa diwang ito, ang pinakaninuno ng sangkatauhan ay si Adan. Subalit karamihan sa mga dalubhasa ang ipinagkakaiba ito mula sa ganitong daloy o tendensiya na nananatili kahit sa mga taong binyagan, dahil ang kasalanang pangninuno ay natatanggal sa pamamagitan ng binyag.[2]

Si Adan (nasa kanan), habang nagpapaliwanag sa Diyos kung bakit niya kinain ang prutas na pinitas ni Eba (nasa kaliwa) mula sa Puno ng Karunungan.

Ipinangaral ni San Gregorio Palamas na bilang resulta ng kasalanang ng ninuno (tinatawag na kasalanang orihinal sa Kanluran), ang imahen o wangis ng tao ay nabahiran, nasira ang hugis, bilang kinahinatnan ng pagsuway ni Adan[3] sa utos ng Diyos na huwag kainin ang bunga o prutas ng Puno ng Karunungan.

Isinulat ng Griyegong teologong si John Karmiris na ang kasalanan ng unang tao, kasama ang lahat ng mga kinahantungan at mga kaparusahan, ay nalipat sa pamamagitan ng likas na pagkakamana papunta sa buong lahi ng sangkatauhan. At sapagkat ang bawat isang tao ay kaapu-apuhan ng unang lalaki, "walang sinuman sa mga tao ang malaya mula sa bahid o mantsa ng kasalan, kahit na magawa ng taong mamuhay na talagang walang kasalanan sa loob ng isang araw." Ang kasalanang orihinal ay hindi lamang binubuo ng "isang aksidente" ng kaluluwa; bagkus ang mga resulta nito, kasama ng mga parusa, ay nailipat at naitanim sa pamamagitan ng likas na pagmamana ng kasalanang ibinabahagi, kasama ang lahat ng mga kinahinatnan nito, sa lahat ng likas na mga kaapu-apuhan ni Adan."[4]

Ang doktrina ng kasalanang makaninuno ay nakatuon sa kamatayang pantao bilang isang mana mula kay Adan. Hindi kasama rito ang diwa ng pagkakamana ng "pagiging nakukunsensiya" ni Adan.

Sa Simbahang Katoliko Romano

baguhin

Ayon sa Katekismo ng Simbahang Katoliko, kung saan ang salinwikang Griyego ay gumagamit ng "προπατορική αμαρτία" (literal na "kasalanang pangninuno") at kung saan ang tekstong Latin ay "peccatum originale", ang kasalanang orihinal ay tinatawag na "kasalanan" sa diwa lamang na may konsepto ng pagtutulad o paghahambing: isa itong kasalanang "nakuha" o "naihawa" at hindi "nagawa" - isang kalagayan at hindi isang gawain. Bagaman naaangkop para sa bawat isang indibiduwal, ang kasalanang orihinal ay walang katangian ng isang kakulangan o kamaliang personal ng sinuman sa mga inanak o isinupling at mga inapo at mga kaapu-apuhan ni Adan.[5] Gayon din ang sinasabi ng Silanganing Ortodoksiya, na "Maaaring sabihin na habang wala tayong namanang pagkakunsensiya sa kasalang pansarili ni Adan, dahil ang kanyang kasalanan ay may kalikasang panglahatan, at dahil ang buong lahi ng mga tao ay may isang mahalaga at ontolohikal o ganap na pagkakaisa, nakilahok tayo rito dahil sa kapangyarihan ng ating pakikilahok sa lipi ng mga tao. Ang pamamahagi ng kasalanang orihinal sa pamamagitan ng likas na pagmamana ay dapat na unawain ayon sa patakaran ng pagkakaisa ng kabuoan ng kalikasan ng tao, at ng homoousiotitos ng lahat ng mga tao, na dahil sa pagiging likas na magkaka-ugnay, ay may isang kabuoang mistiko. Dahil nga sa ang tao ay natatangi at hindi mababali, ang pagpapamahagi ng kasalanan mula sa panganay patungo sa buong lahi ng mga taong nagbuhat sa kanya ay itinuturing na maipapaliwanag: lantad na dahil nagmula sa ugat, ang karamdaman ay pumunta sa iba pang mga bahagi ng puno, kung saan si Adan ang ugat na nagdusa ng pagiging tiwali (San Cirilo ng Alejandria).[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Nature of Sin Naka-arkibo 2008-09-08 sa Wayback Machine.; at mula rin sa The Nature of Sin
  2. St Nikodemos the Hagiorite: Exomologetarion (Ανδρέα Θεοδώρου: Απαντήσεις σε ερωτήματα δογματικά (εκδ. Αποστολικής Διακονίας, 1997), p. 156-161).
  3. "A Discussion of the Orthodox Perception of the Nature of God". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-06. Nakuha noong 2010-12-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Archpriest Alexander Golubov: Rags of Mortality: Original Sin and Human Nature
  5. Catechism of the Catholic Church, 404-405
  6. Arsoparing si Alexander Golubov: Rags of Mortality: Original Sin and Human Nature, sinipi ang pagbanggit ni John Karmiris, A Synopsis of the Dogmatic Theology of the Orthodox Catholic Church, isinalinwika mula sa Griyego ni Reberendo George Dimopoulos (Scranton, Pa.: Edisyon ng Ortodoksiyang Kristiyano, 1973), p. 36