Kasaysayan ng matematika

Ang larangan ng pag-aaral na nakikilala bilang kasaysayan ng matematika ay pangunahing isang pagsisiyasat sa pinagmulan ng mga natuklasang may kaugnayan sa larangan ng matematika at, sa mas kaunting dako, isang pag-uusisa sa mga pamamaraang pangmatematika at notasyon mula sa nakaraang mga panahon.

Bago sumapit ang makabagong panahon at ng pandaigdigang paglaganap ng kaalaman, ang nakasulat na mga halimbawa ng bagong mga kaunlarang pangmatematika ay lumitaw lamang sa loob ng mangilan-ngilang mga lugar. Ang pinaka sinaunang mga tekstong pangmatematika ay nakuha magmula sa Plimpton 322 (Matematika sa Babilonya, c. 1900 BK),[1] sa Papirong Pangmatematika ni Rhind (matematika sa Ehipto, c. 2000-1800 BK)[2] at sa Papirong Pangmatematika ng Moskow (matematika sa Ehipto, c. 1890 BK). Ang lahat ng mga tekstong ito ay nakatuon sa tinatawag na teorem na Pitagoreano, na tila pinaka sinauna at pinaka malaganap na kaunlaran pagkaraan ng payak na aritmetika at heometriya.

Ang pag-aaral ng matematika ay naging isang nagsasariling paksa magmula noong ika-16 daantaon BK sa pamamagitan ng mga Pitagoreano, na umimbento ng katagang "matematiks" o "matematika" na nagmula sa sinaunang Griyegong μάθημα (mathema), na nangangahulugang "paksa ng pagtuturo".[3] Ang matematikang Griyego ang malakihang nagpainam o nagpadalisay ng mga pamamaraan (natatangi na sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga pangangatwirang deduktibo o pangangatwirang humahango, pangangatwirang humuhulo, o pagrarasong nag-aawas, bumabawas, o nagbabawas; at ng mga rigor na pangmatematika o kahigpitang pangmatematika) sa mga pruwebang pangmatematika at nagpalawak sa paksa ng matematika.[4] Ang matematikang Intsik, sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga tukod ay nakapagbigay na maaagang mga abuloy sa larangan ng matematika, kabilang ang isang sistema ng pagbibigay ng halaga sa isang lugar.[5][6] Ang Hindu-Arabeng sistema na pangnumero at ang mga panuntunan sa paggamit ng mga operasyon o pagsasagawa nito, na ginagamit na sa buong mundo sa pangkasalukuyan, ay maaaring umunlad sa loob ng kahabaan ng unang milenyo AD sa India at nailipat sa Kanluraning Mundo sa pamamagitan ng matematikang Islamiko.[7][8] Sa kabilang dako, ang matematikang Pang-Islam ang nagpaunlad at nagpalawig ng matematikang nakikilala ng mga kabihasnang ito.[9] Maraming mga tekstong Griyego at Arabiko na ukol sa matematika ay dating isinasalinwika papuntang wikang Latin, na humantong sa lalo pang pagpapaunlad ng matematika noong Gitnang Kapanahunan sa Europa.

Magmula sa kapanahunang sinauna hanggang sa Gitnang Kapanahunan, ang mga pasilakbong pagkamalikhain sa larangan ng matematika ay kadalasang nasusundan ng mga daantaon ng pagtigil o istagnasyon. Noong ika-16 daantaon sa Italyang may Renasimyento, nagkaroon ng bagong mga kaunlarang pangmatematika, na may pakikipag-ugnayan sa bagong mga makaagham na pagtutuklas, na nagawa sa tumutulin na hakbang at kalakaran na nagpapatuloy hanggang sa pangkasalukuyang panahon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. J. Friberg, "Methods and traditions of Babylonian mathematics. Plimpton 322, Pythagorean triples, and the Babylonian triangle parameter equations", Historia Mathematica, 8, 1981, pp. 277—318.
  2. Neugebauer, Otto (1969) [1957]. The Exact Sciences in Antiquity (ika-2 (na) edisyon). Dover Publications. ISBN 978-048622332-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Kabanata IV "Egyptian Mathematics and Astronomy", pp. 71–96.
  3. Heath. A Manual of Greek Mathematics. p. 5.
  4. Sir Thomas L. Heath, A Manual of Greek Mathematics, Dover, 1963, p. 1: "In the case of mathematics, it is the Greek contribution which it is most essential to know, for it was the Greeks who first made mathematics a science." (Sa kaso ng matematika, ang ambag ng mga Griyego ang pinaka mahalagang dapat malaman, dahil ang mga Griyego ang unang gumawa sa matematika upang maging isang agham.)
  5. George Gheverghese Joseph, The Crest of the Peacock: Non-European Roots of Mathematics,Penguin Books, London, 1991, pp.140—148
  6. Georges Ifrah, Universalgeschichte der Zahlen, Campus, Frankfurt/New York, 1986, pp.428—437
  7. Robert Kaplan, "The Nothing That Is: A Natural History of Zero", Allen Lane/The Penguin Press, London, 1999
  8. "The ingenious method of expressing every possible number using a set of ten symbols (each symbol having a place value and an absolute value) emerged in India. The idea seems so simple nowadays that its significance and profound importance is no longer appreciated. Its simplicity lies in the way it facilitated calculation and placed arithmetic foremost amongst useful inventions. the importance of this invention is more readily appreciated when one considers that it was beyond the two greatest men of Antiquity, Archimedes and Apollonius." - Pierre Simon Laplace
  9. A.P. Juschkewitsch, "Geschichte der Mathematik im Mittelalter", Teubner, Leipzig, 1964

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.