Kasaysayang diplomatiko

(Idinirekta mula sa Kasaysayang Diplomatiko)

Ang kasaysayang diplomatiko ay nakatuon sa kasaysayan ng ugnayang pangdaigdigan (relasyong internasyunal) sa pagitan ng mga estado. Maaaring maging kaiba ang historyang diplomatiko mula sa ugnayang internasyunal dahil sa ang kasaysayang diplomatiko ay maaaring tumuon sa patakarang panlabas o pangdayuhan ng isang estado habang ang ugnayang pandaigdigan ay nakatuon sa mga ugnayan o relasyon sa pagitan ng dalawa o marami pang mga estado[1]. Ang kasaysayang diplomatiko ay may gawi na mas nagiging nagsasaalang-alang ng kasaysayan ng diplomasya habang ang mga ugnayang internasyunal ay mas nakatuon sa mga kasalukuyang kaganapan o pangyayari at paglikha ng isang modelong nilalayon na magbigay ng pagpapaliwanag o pagpapaunawa hinggil sa mga politikang pandaigdigan o internasyunal.[1] Kakaiba ito mula sa kasaysayang pampolitika na nakatuon sa mga politikang nasa loob ng estadong nasyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Matusumoto, Saho. "Diplomatic History", mga pahinang 314–316 na nasa The Encyclopedia of Historians and Historical Writing, pahina 314.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.