Kasingay
Ang klampa[1], mordansa[1], o kasingay[1] (Ingles: clamp[1], cramp) ay isang uri ng gato[1] o kasangkapang pang-ipit[1] na ginagamit panghawak ng mahigpit sa mga bagay upang mapigilan ang paggalaw o paghihiwalay kapag pinatungan ng paloob na presyon o lakas. Sa Nagkakaisang Kaharian at Mexico, mas ginagamit ang salitang cramp kaysa clamp, partikular na kung pansamantala lang ang pagpoposisyon o pagpupuwesto habang nagbubuo o gumagawa. Maraming mga uri ng mga klampang makukuha para sa iba't ibang layuning panggawain. May ilang panandalian lamang, katulad ng sa pagkukumpuni, at mayroon namang pampalagian o permanenteng pagdirikit.
Sanggunian
baguhinTalaaklatan
baguhin- Patrick Spielman (1986). Gluing and Clamping: A Woodworker’s Handbook. Sterling Publishing. ISBN 0-8069-6274-7
- Lee Jesberger (2007). Mga tip o patnubay sa pangdalubhasang gawaing pangkahoy Naka-arkibo 2017-07-07 sa Wayback Machine., prowoodworkingtips.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.