Kastilyo ng Matsue
Ang Kastilyo ng Matsue (松江城 Matsue-jō) ay isang kastilyong piyudal sa Matsue ng Prepektura ng Shimane, Hapon. Binansagan bilang "kastilyong itim" o "kastilyong talinting", isa ito sa mangilan-ngilang nananatili pang mga kastilyong midyibal (mula sa gitnang panahon) sa Hapon – na ilan sa mga nananatili pang nasa kanilang orihinal na anyong may kahoy, at hindi isang makabagong paggaya na yari sa kongkreto.
Nagsimula ang pagbubuo sa Kastilyong Matsue noong 1607 at natapos noong 1611, sa ilalim na lokal na panginoong Horio Yoshiharu. Noong 1638, naipasa ang kaharian at kastilyo sa angkang Matsudaira, isang mababang sanga ng naghaharing angkang Tokugawa.
Karamihan sa mga kastilyong Hapones ay nasira o nawasak dahil sa digmaan, mga lindol, o iba pang mga dahilan. Dahil sa kahoy ang malaking bahagi ng kanilang kayarian, isang pangunahing panganib ang apoy. Itinayo ang kastilyong Matsue makalipas ang huling dakilang digmaan ng Hapong piyudal, kaya hindi ito nakatanaw ng kahit na isang labanan. Ngunit iilan lamang sa mga pader at pangunahing tore (keep sa Ingles) ng kastilyo ang nananatili pa sa ngayon.
Kasaysayan
baguhinSa 12 mga kastilyong nananatili pa sa Hapon, ito lamang ang iisang nananatili pa sa rehiyong Sanin. Ang kastilyong ito ang ikalawang pinakamalaki, ang ikatlong pinakamataas (30 m) at ang ikaanim na pinakamatanda sa mga kastilyo. Binuo ito ng mga daimyo ng rehiyong Izumo na si Yoshiharu Horio sa loob ng panahong may limang taon, at naging ganap na kastilyo noong 1622.
Makalipas ang mga paghahari nina Tadaharu Horio at Tadataka Kyogoku, si Naomasa Matsudaira na isang apo ni Ieyasu Tokugawa ang naging Panginoon ng kastilyo, makaraang mailipat mula sa Matsumoto ng lalawigan ng Shinshu, at samakatuwid ay nagsimula ng isang paghaharing nagtagal ng may 10 salinlahi ng angkang Matsudaira sa loob ng isang kapanahunang may 234 mga taon.
Noong 1875, nawasak ang lahat ng mga gusaling nasa loob ng kastilyo, maliban na lamang sa mismong tore ng kastilyo, na pinahintulutang mapanatili dahil sa pagpipilit ng mga pangkat na tumatangkilik. Dumanas ng isang malawakang pagkukumpuni ang kastilyo sa pagitan ng 1950 at 1955.
Isang masalimuot na kayarian ang kastilyo, na itinayo ayon sa estilong may toreng bantayan, na may anyong limang palapag kung titingnan mula sa labas, subalit sa katunayan ay may anim na mga palapag sa loob. Karamihan sa mga pader ng kastilyo ang napipintahan ng itim na kulay, isa itong matatag na kayarian, na naitayo upang mapagingatan mula sa digmaan habang may katangiang maharlika at mapayapa rin, na nakapagpapaalala sa estilong Momoyama.
Panitikan
baguhin- Schmorleitz, Morton S. (1974). Castles in Japan. Tokyo: Charles E. Tuttle Co. ISBN 0-8084-1102-4.
{{cite book}}
: Check|isbn=
value: checksum (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Motoo, Hinago (1986). Japanese Castles. Tokyo: Kodansha. p. 200 pages. ISBN 0-87011-766-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Midyang kaugnay ng Kastilyo ng Matsue sa Wikimedia Commons