Seksuwal na nilalang

(Idinirekta mula sa Katangiang seksuwal)

Ang seksuwal na nilalang o nilalang na pampagtatalik (Ingles: sexual being, sexual creature) ay ang likas na katangian ng mga nilalang na kasama ang mga hayop at mga halaman. Sa hayop, nabibilang sa mga nilalang na seksuwal ang mga tao, kulisap, ibon, at isda. Kabilang sa pagiging katauhan o pagkakakilanlan ng mga nilalang na seksuwal ang pagkakaroon ng pagnanais na umibig at ibigin din, pagmamahal, pagsuyo, at pagsinta, pagtanggap sa sarili, ang pagkagusto na matanggap ng iba, pag-usbong at pag-unlad ng pakikipag-ugnayan o pagkakaroon ng relasyon sa iba, at eksplorasyong seksuwal, kasama na ang gratipikasyon (maibigay at matanggap ang kasiyahan o hilig). Tinagurian ang pagiging seksuwal na nilalang bilang ang "agham ng sarili".[1]

Isang magkaparehang nagliligawan.

Sa tao

baguhin

Ayon sa Sexuality: Your Child as a Sexual Being ng Youth Embassy (Embahada ng Kabataan), ang lahat ng mga tao ay mga nilalang na seksuwal mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. Subalit bahagi lamang ng pagiging tao ang pagiging nilalang na may seksuwalidad, at hindi lamang ito nakatuon sa kasangkapang pangkasarian ng tao at sa paggamit ng mga ito. Kung kaya't ang pagtatalik ng mga seksuwal na nilalang ng tao ay isang maliit na bahagi lamang ng kahabaan ng larangan ng seksuwalidad. Ito ay dahil sa nakaugat ang seksuwalidad sa maraming mga larangan, katulad ng henetikang pambiyolohiya, kimika, sikolohiya, sosyolohiya, at pagpapadama ng pang-araw-araw na kaasalan o pag-uugali ng tao, kaakibat ang pananalita, pananamit, pag-iisip, at pagtugon sa mga sitwasyon sa kapaligiran. Ang mga mensaheng seksuwal na nasa pangkasalukuyang kapaligiran ng mga, katulad ng sa mga patalastas, ay maituturing na isang komunikasyong may kamalian, hindi makatotohanan, at may negatibong impluwensiya sa isipan ng tao. Maitatama ang ganitong mga uri ng mensahe batay sa katalaban ng pagiging isang magulang (kasama ang pagiging modelo para sa mga anak, ang pagkaalam kung paano gumamit ng disiplina at pleksibilidad, pakikinig sa mga anak, pagtanggap ng mahinahon sa mga anak, pagbibigay ng pagmamahal, damdamin, atensiyong positibo, at suporta; mga bagay na kasinghalaga ng pagkain, tubig, at tahanan o "masisilungan") at sa edukasyong seksuwal, katulad ng isinasagawa sa mga paaralan. Nakasalalay sa mga halimbawang ito ang paraan ng pagbibigay ng tamang paghahanda at suporta upang umunlad ang mga kabataan patungo sa pagiging angkop at responsableng mga adulto o mga taong nasa tamang edad.[1]

Kabilang sa pagiging seksuwal na nilalang ng tao ang pagdaan niya sa panahon ng kanyang kabataan kung kailan siya nakakaranas ng pag-unlad ng dibdib o paglaki ng mga suso at pagreregla sa kababaihan; habang sa kalalakihan ay ang pagkakaroon ng maluluwang na mga balikat at paglalim ng mga tinig nila.[1]

Ibang kahulugan

baguhin
 

Ang katagang seksuwal na nilalang ay mayroon ding iba pang mga kahulugan, na maituturing na negatibo ayon sa kultura, relihiyon, pananaw at iba pang mga aspeto. Naririto ang ilang mga kahulugan ng "seksuwal na nilalang" mula sa Urban Dictionary. Maaaring tumukoy ang kataga sa isang tao na kadalasang may mataas na kalikasang seksuwal o katangiang seksuwal, katulad ng pagiging malisyoso o napaka malibog. Maaari ding tumukoy ang pariralang seksuwal na nilalang sa paglalarawan ng isang napakakaakit-akit na lalaki o nakapakabigha-bighaning babae, batay sa pangangatawan, kilos, o iba pang katangian ng nilalang na tinutukoy, kasama na ang kaasalan sa pakikipagtalik o "kahusayan" o pagiging maalam sa gawaing ito. Maaari ring tumukoy ang katawagang seksuwal na nilalang sa isang tao o ibang nilalang na nasisiyahan sa madalas na pakikilahok sa o pagsasagawa ng mga gawaing seksuwal. Bilang huli, maaari rin itong tumukoy sa kagalingan o talento ng isang tao hinggil sa lahat ng mga bagay na seksuwal, katulad ng salitang seksuwal (bastos na pananalita), pakikipagtalik, sexting, masturbasyon, at iba pa.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Sexuality: Your Child as a Sexual Being Naka-arkibo 2009-01-05 sa Wayback Machine., Parents, youthembassy.com
  2. sexual being, urbandictionary.com