Katarungang pangmilitar
- Huwag itong ikalito sa Batas militar.
Ang batas na pangmilitar o katarungang pangmilitar (Ingles: military justice o military law) ay ang katawan ng mga batas at mga hakbang na namamahala sa mga kasapi ng sandatahang lakas. Maraming mga estado ang mayroong nakahiwalay at nakabukod na batas na namamahala sa gawi at gawain ng mga kasapi ng kanilang mga sandatahang lakas. May ilang estado na gumagamit ng natatanging mga kasunduang panghukuman at iba pa upang maipatupad ang mga batas na ito, habang ang iba naman ay gumagamit ng mga sistemang panghukuman na para sa mga sibilyano. Ang paksang legal na bukod tangi sa hustisyang pangmilitar ay kinabibilangan ng pagpapanatili ng mabuting kaayusan at disiplina, ang pagkamakabatas o legalidad ng mga kaatasan, at ang naaangkop na gawi o kaasalan ng mga miyembro ng militar. Mayroong ilang mga estado na pinagagana ang kanilang mga sistemang pangkatarungan na pangmilitar upang harapin ang mga pagkakasala o paglabag na nagawa ng kanilang sandatahang lakas sa ilang mga kalagayan.
Naiiba at nakabukod ang katarungang pangmilitar mula sa pagpapataw o paglalapat ng kapangyarihang militar sa isang populasyong sibilyano bilang kapalit ng kapangyarihang sibilyano (paysano). Ang ganitong katayuan ay pangkalahatang tinatawag bilang batas militar o batas marsiyal, at kadalasang ipinapahayag sa panahon ng emerhensiya, digmaan, o kaguluhang sibil. Maraming mga bansa ang naghahangga sa kung kailan at sa paanong paraan idedeklara at ipapatupad ang batas militar.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas at Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.