Katedral Basilika ng Notre-Dame ng Saigon


Ang Katedral Basilika ng Notre-Dame ng Saigon (Biyetnames: Vương cung thánh đường Chính tòa Đức Bà Sài Gòn o Nhà thờ Đức Bà Sài Gòn; Pranses: Basilique-Cathédrale Notre-Dame de Saigon), opisyal na Katedra Basilika ng Mahal na Ina ng Inmaculada Concepcion (Biyetnames: Vương cung thánh đường Chính tòa Đức Mẹ Vô nhiễm Nguyên tội; Pranses: Basilique-Cathédrale Notre-Dame de l'Immaculée Conception) ay isang katedral na matatagpuan sa bayan ng Lungsod ng Ho Chi Minh, Vietnam. Itinatag ng mga kolonyalistang Pranses na unang pinangalanan itong Simbahan ng Saigon (Pranses: l'Eglise de Saïgon), ang katedral ay itinayo sa pagitan ng 1863 at 1880. Ang pangalang Katedral ng Notre-Dame ay ginamit mula pa noong 1959. Mayroon itong dalawang tore ng kampanilya, na umaabot sa taas na 58 metro (190 paa).

Katedral Basilika ng Mahal na Ina ng Inmaculada Concepcion
Vương cung thánh đường Chính tòa Đức Mẹ Vô nhiễm Nguyên tội
Basilique-Cathédrale Notre-Dame de l'Immaculée Conception
Katedral Basilika ng Notre-Dame ng Saigon
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
DistritoArkidiyosesis ng Lungsod Ho Chi Minh
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonKatedral
Taong pinabanal1880
Lokasyon
LokasyonLungsod ng Ho Chi Minh, Vietnam
Mga koordinadong heograpikal10°46′47″N 106°41′57″E / 10.77972°N 106.69917°E / 10.77972; 106.69917
Arkitektura
UriSimbahan
IstiloRomaniko
Groundbreaking1863
Nakumpleto1880

Kasaysayan

baguhin
 
Tanaw sa nabe ng katedral.
 
Tanaw sa gilid ng basilika.
 
Transepto sa gilid.
 
Mas malapit na tanaw sa patsada.
 
Pangunahing tarangkahan ng basilika.

Matapos ang pananakop ng Pransya sa Cochinchina at Saigon, ang Simbahang Katolika Romana ay nagtatag ng isang pamayanan at mga serbisyong panrelihiyon para sa mga kolonyalistang Pranses. Ang unang simbahan ay itinayo sa ngayong Kalye Ngo Duc Ke. Nagkaroon ng isang Vietnamese pagoda, na pinabayaan sa panahon ng giyera. Nagpasya si Obispo Lefevre na gawing simbahan ang pagodang ito.

Ang huling simbahan ay masyadong maliit. Kaya, noong 1863, nagpasya si Admiral Bonard na magtayo ng isang kahoy na simbahan sa pampang ng kanal Charner (Kinh Lớn). Inilagay ni Lefevre ang unang bato para sa pagtatayo ng simbahan noong Marso 28, 1863. Ang konstruksiyon ay nakumpleto pagkalipas ng dalawang taon at tinawag na "Simbahan ng Saigon". Nang ang kahoy na simbahan ay nasira ng mga anay, lahat ng mga serbisyo sa simbahan ay isinagawa sa silid-panauhanan ng Palasyo ng Gobernador ng Pransiya. Ang palasyo na ito ay ginawang isang seminaryo hanggang sa matapos ang Katedral ng Notre-Dame.

Matapos ang kumpetisyon sa disenyo, tinanggap ang mga tawad para sa konstruksyon. Muli, si J. Bourard ay ang matagumpay na tumawad at naging tagapangasiwa ng mga konstruksiyon.

Noong una, mayroong tatlong ipinanukalang mga pook para sa pagtatayo:

  • Sa lugar ng dating paaralan ng pagsusulit (ngayon, ito ay nasa kanto ng Bulebar Le Duan at Kalye Hai Ba Trung).
  • Sa Kinh Lon (ngayon ay Bulebar Nguyễn Huệ)
  • Sa kasalukuyang lugar kung saan nakatayo ang katedral.

Ang lahat ng materyales sa gusali ay inangkat mula sa Pransiya. Ang labas na dingding ng katedral ay itinayo na may mga ladrilyo mula sa Tolsoa. Kahit na ang kontratista ay hindi gumamit ng pinahiran na kongkreto, ang mga ladrilyong ito ay napanatili ang maliwanag na pulang kulay nito hanggang ngayon.

Noong Oktubre 7, 1877, inilatag ni Obispo Isidore Colombert ang unang bato sa isang seremonya ng pagpapasinaya. Ang pagtatayo ng katedral ay tumagal ng tatlong taon. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Abril 11, 1880, isang seremonya ng pagbabasbas at seremonya ng pagkumpleto ay taitim na isinagawa sa harapan ng Gobernador ng Cochinchina na si Charles Le Myre de Vilers. Makikita sa isang granitong pananda sa loob ng pangunahing tarangkahan ng pagpasok na gumugunita sa mga petsa ng pagsisimula at pagkumpleto at sa tagadisenyo. Ang kabuuang halaga ay 2,500,000 Pranses na francs (nominal na presyo ng kalagitnaan hanggang huli ng ika-19 na siglo). Sa simula, ang katedral ay tinawag na Kateral ng Estado dahil sa pinagkuhanan ng mga pondo sa konstruksiyon.

Noong 1895, dalawang tore ng kampanilya ang idinagdag sa katedral, bawat isa ay 57.6 m ang taas na may anim na tansong batingaw na may kabuuang bigat na 28.85 metriko tonelada. Ang mga krus ay inilagak sa tuktok ng bawat tore na may taas na 3.5 m, 2 m ang lapad, 600 kg sa bigat. Ang kabuuang taas ng katedral hanggang sa tuktok ng Krus ay 60.5 m.

Sa hardin ng bulaklak sa harapan ng katedral, may isang tansong rebulto ni Pigneau de Behaine (tinatawag ding Obispo ng Adran) na humahantong kay Prinsipe Cảnh, ang anak ni Emperador Gia Long sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay. Ang estatwa ay ginawa sa Pransiya. Noong 1945, ang estatwa ay tinanggal, ngunit nananatili ang pundasyon.

Noong 1959, si Obispo Joseph Pham Van Thien, na ang nasasakupan ay kasama ang parokya Saigon, ay dumalo sa Kongresong Mariano na isinagawa sa Vaticano at bumili sa Roma ng estatwa ng Mahal na Ina ng Kapayapaan na gawa sa granito. Nang ang rebulto ay dumating sa Saigon noong Pebrero 16, 1959, si Obispo Pham Van Thien ay nagsagawa isang seremonya upang itayo ang estatwa sa walang laman na base at iginawag ang pamagat ng "Regina Pacis". Ito ay ang parehong obispo na nagsulat ng mga panalangin na "Notre-Dame pagpalain ang kapayapaan sa Vietnam". Kinabukasan, si Kardinal Agagianian ay nagmula sa Roma upang pamunuan ang pagsasara ng seremonya ng Kongresong Mariano at taimtim na pinamunuan ang seremonya para sa rebulto, kaya, ang katedral ay tinawag na Katedral ng Notre-Dame.

Noong 1960, itinayo ni Papa Juan XXIII ang mga Katoliko Romanong diyosesis sa Vietnam at nagtalaga ng mga arsobispo sa Hanoi, Huế, at Saigon . Ang katedral ay ginawaran ng titulong Pangunahing Katedral ng Saigon. Noong 1962, binasbasan ni Papa Juan XXIII ang Pangunahing Katedral ng Saigon, at ginawaran ito ng katayuan bilang isang basilika. Mula sa oras na ito, ang katedral na ito ay tinawag na Katedral Basilika ng Notre-Dame ng Saigon.

Ika-21 siglo

baguhin

Noong Oktubre 2005, ang estatwa ay naiulat na lumuha, na umakit ng libo-libong mga tao na naghudyat sa mga awtoridad na ihinto ang trapiko sa paligid ng Katedral. Gayunpaman, ang nangungunang klero ng Simbahang Katoliko sa Vietnam ay hindi makumpirma na ang estatwa ng Birheng Maria sa harapan ng katedral ay lumuha, ngunit nabigo iyon na paalisin ang karamihang nakapaligid sa rebulto ilang araw matapos ang insidente. Ang naiulat na "luha" ay dumaloy sa kanang pisngi ng mukha ng estatwa.

Mga natatanging katangian

baguhin

Ang lahat ng mga orihinal na materyales ng gusali ay inangkat mula sa Pransiya. Ang mga tisa ay inukit na may mga salitang Guichard Carvin, Marseille St André France, na nagsasaad ng distrito sa Marseille kung saan ginawa ang mga tisa. Ang ilang mga tisa ay may nakaukit na mga salitang Wang-Tai Saigon. Maraming mga tisa mula noon ay ginawa sa Saigon upang mapalitan ang mga tisang nasira ng giyera. Mayroong 56 na mga parisukat na baso na ibinigay ng kompanyang Lorin ng Chartres, ang bayang Pranses na sikat sa mga ika-13 siglong minantsahang salamin sa katedral nito. Ang pundasyon ng katedral ay idinisenyo upang dalhin ang sampung beses sa bigat ng katedral.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Architectural Masterpiece Notre Dame Cathedral - Saigon - Saigon-online.net". 8 Mayo 2015. Nakuha noong 11 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]