Ang Katedral ng Adria (o ang Bagong Katedral; Italyano: Duomo di Adria; Cattedrale Nuova dei Santi Pietro i Paulo) ay isang Katoliko Romanong simbaha sa lungsod ng Adria, sa lalawigan ng Rovigo sa rehiyon ng Veneto, Italya. Dating luklukang episkopal ng Diyoesis ng Adria, na mula pa noong 1986 na ang Diyoesis ng Adria-Rovigo.

Kanlurang patsada ng bagong katedral sa piazza

Pinapalitan ng kasalukuyang katedral ang mas lumang dating katedral sa malapit, na inialay kay San Juan. Ang Lumang Katedral (Cattedrale Vecchia, Chiesa di San Giovanni), na patuloy na ginagamit bilang simbahan ng parokya.

Ang bagong katedral, na inialay kanila San Pedro at San Pablo, ay itinayo noong unang bahagi ng ika-19 na siglo sa isang ika-14 na siglong simbahan. Nang gumawa ng mga gawain noong 1830 upang siyasatin ang katatagan ng mga pundasyon, natuklasan ang isang Bisantinong kripta at mga fresco.

baguhin