Katedral ng Alghero
Ang Katedral ng Alghero, minsan ay tinatawag na Katedral ng Santa Maria Inmaculada (Italyano: Duomo di Alghero; Cattedrale di Santa Maria Immacolata Catalan: Catedral de l'Alguer; Catedral de Santa Maria Immaculada), ay isang Katoliko Romanong katedral sa Alghero sa lalawigan ng Sassari, Sardinia, Italya. Matatagpuan ito sa makasaysayang sentro ng lungsod. Ito ang luklukan ng Obispo ng Alghero mula 1503 hanggang 1986, at mula pa noong 1986, ng Obispo ng Alghero-Bosa.
Ang Alghero ay itinalaga bilang isang luklukang diyosesasno noong 1503 ngunit ang gawaing pagtatayo sa katedral ay hindi nagsimula hanggang 1567. Ito ay pinasinayaan noong 1593 ngunit hindi natapos. Pagkatapos ng ilang mga pagpapanumbalik, ito ay inialay noong 1730.
Ang simbahan ay orihinal na nasa istilong Catalan-Gotiko, gaya ng makikita sa limang kapilya at hirola ng presbiteryo, na kinabibilangan din ng oktagonong base ng simboryo. Ang nabe at ang dalawang pasilyo ay gayunpaman sa estilong Huling Renasimyento. Ang pangunahing altar ay idinisenyo ng Genoves na artistang si Giuseppe Massetti (1727): ang eskultura ay nagpapakita kay Inmaculadang Maria na nasa gilid ng mga anghel. Siya rin ang nagdisenyo ng ambulatoryo at pulpito. Noong 1862, isang Neoklasikong nartex ang idinagdag sa patsada, na kapansin-pansing nagbago ng hitsura nito.
Mga sanggunian
baguhin- Francesca Segni Pulvirenti, Aldo Sari. Architettura tardogotica e d'influsso rinascimentale . Nuoro, Ilisso, 1994.ISBN 88-85098-31-2
- Salvatore Naitza. Architettura dal tardo '600 al classicismo purista . Nuoro, Ilisso, 1992.ISBN 88-85098-20-7ISBN 88-85098-20-7
- Maria Grazia Scano. Pittura e scultura dell'Ottocento . Nuoro, Ilisso, 1997.ISBN 88-85098-56-8ISBN 88-85098-56-8