Katedral ng Ascension, Almaty

Ang Katedral ng Ascension (Ruso: Вознесенский собор Vosnesenskiy sobor, Kasaho: Вознесенск кафедралы шіркеуі Voznesensk kafedraly shirkeýi), na kilala rin bilang Katedral ni Zenkov, ay isang Ortodoksong Rusong katedral na matatagpuan sa Liwasang Panfilov sa Almaty, Kazakhstan. Nakumpleto noong 1907, ang katedral ay gawa sa kahoy ngunit walang mga pako. Ang taas nito ay 56 metro ang taas, at inaangkin nito ang titulong pangalawang pinakamataas na kahoy na gusali sa buong mundo.[1][2]

Katedral ng Ascension
Вознесенский собор
LokasyonAlmaty
BansaKazakhstan
DenominasyonSimbahang Ortodoksong Ruso
Kasaysayan
Consecrated1907

Kasaysayan

baguhin
 
Seremonya sa pagbubukas ng katedral, 1907

Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo ang unang mga obispo ng eparkiyang Turkistan ay tumalakay sa pangangailangan para sa isang Simbahang Ortodoksong Ruso sa Almaty. Noong Setyembre 26, 1903, ang obispo ng Turkestan at Tashkent, Paisii (Vinogradov) ay naglaan ng pundasyon ng simbahan. Ang konstruksiyon ay nangyari sa pagitan ng 1904 at 1907.

Ang kampanaryo ay itinayo noong Setyembre 14, 1906. Ang katedral ay nakaligtas sa lindol noong 1911 nang may kaunting pinsala, kahit na ito ay itinayo nang walang anumang mga pako, na kung saan iniugnay ng ilang obispo sa banal na interbensyon,[3] kahit na ang kadahilanan ng pagkaligtas ay maaari ring ibigay sa mga abanteng estratehiyang anti-lindol na naimbento o ginamit ng arkitektong si Andrei Pavlovich Zenkov.[4]

Ang panloob na estruktura ng katedral ay ginawa sa mga talyer ng sining sa Moscow at Kiev. Ang iconostacio ay ipininta ni N. Khludov. Matapos ang Himagsikang Ruso, ang katedral ay ginamit upang ilagay ang Sentral na Museo ng Estado ng Sobyet na Sosyalistang Republika ng Kasakistan. Mula 1930 hanggang 1940 ginamit ito ng mga kilalang organisasyong pampubliko. Ang mga unang transmitter ng radyo sa Almaty ay inilagay sa kampanaryo ng katedral.[5]

 
Tanaw sa harapan ng katedral sa panahon ng taglamig

Ang gawain sa pagpapanumbalik sa katedral ay nagsimula noong 1973 at tumagal hanggang 1976. Noong Mayo 1995 ang pagkontrol sa katedral ay ibinalik sa Simbahang Ortodoksong Ruso. Noong 1997, pagkatapos ng karagdagang gawain sa pagpapanumbalik, ito ay muling binuksan para sa mga serbisyong panrelihiyon.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ness, Immanuel. Encyclopedia of World Cities. M E Sharpe Reference, 1999. ISBN 0-7656-8017-3. p. 19.
  2. Ascension Cathedral
  3. Zhamkhanova, K. A., A. K. Botanov, and Manash Kabashevich Kozybaev. Pamiatniki istorii i kulʹtury Almaty: katalog dokumentov. Almaty: Izd-vo Ȯner, 2003. ISBN 9965-595-57-7. p. 39.
  4. Dombrovsky, Yury "Khranitel Drevnostey" 1964, trans. as "The Keeper of Antiquities" Longmans 1969, pp. 18, 19
  5. Zhamkhanova, K. A., A. K. Botanov, and Manash Kabashevich Kozybaev. Pamiatniki istorii i kulʹtury Almaty: katalog dokumentov. Almaty: Izd-vo Ȯner, 2003. ISBN 9965-595-57-7ISBN 9965-595-57-7. p. 39.
  6. Свято-Вознесенский кафедральный собор Naka-arkibo 2014-01-09 sa Wayback Machine. Аппарат акима Медеуского района (sa Ruso)
baguhin