Katedral ng Capua
Ang Katedral ng Capua (Italyano: Basilica cattedrale di Maria SS. Assunta in Coelo; Duomo di Capua) ay isang Katoliko Romanong simbahan sa lungsod ng Capua, Campania, Italya, na alay sa Pag-aakyat ng Birheng Maria. Ito ang luklukang episkopal ng mga Arsobispo ng Capua. Nabigyan ito ng katayuan bilang isang basilika menor noong 1827.