Katedral ng Casale Monferrato

Ang Katedral ng Casale Monferrato (Italyano: Duomo di Casale Monferrato; Cattedrale di Sant'Evasio) ay isang Katoliko Romanong simbahan sa Casale Monferrato, lalawigan ng Alessandria, Piedmont, Italya, na alay kay San Evasio. Ito ang luklukang episkopal ng Diyosesis ng Casale Monferrato.

Kanlurang harapan at mga kampanaryo
Tanaw ng nabe patungo sa abside

Kasaysayan at paglalarawan

baguhin

Ang kasalukuyang estrakturang Romaniko at Gotiko ay unang pinasinayaan noong 1107 o 1108, ngunit isang dating simbahan mula noong ika-9 na siglo ang nakatayo na sa lugar.

Ang katedral ay mayroong nartex. Ang loob ay may limang nabe, kung saan ang gitnang isa ay minarkahan ng matangkad na mga haliging polikromo na tumataas ang dalawang palapag. Ang mga kisame ay may fresco, ang ilang bahagi ay kulay bughaw na langit.

Mga sanggunian

baguhin