Katedral ng Orte
Ang Katedral ng Orte o ang Basilika ng Santa Maria Assunta, Orte (Italyano: Duomo di Orte; Ang Basilica Concattedrale di Santa Maria Assunta), ay ang pangunahing Katoliko Romanong simbahan ng Orte, na matatagpuan sa harap ng Piazza della Libertà, sa lalawigan ng Viterbo, rehiyon ng Lazio, Italya. Ito ay alay sa Pag-aakyat sa Langit kay Maria. Ito ang luklukang episkopal ng mga obispo ng Orte, na noong 1437 ay pinag-isa na may may aeque principaliter sa Diyosesis ng Civita Castellana, at isinanib dito noong 1986. Kaya, isa na itong konkatedral. Ito ay isang napakahalagang basilika menor.[1]