Katedral ng Orvieto

Ang Katedral ng Orvieto (Italyano: Duomo di Orvieto; Cattedrale di Santa Maria Assunta) ay isang malaking ika-14 na siglong Katoliko Romanong katedral na alay sa Pag-aakyat sa Langit ng Birheng Maria at matatagpuan sa bayan ng Orvieto sa Umbria, gitnang Italya. Mula noong 1986, ang katedral ng Orvieto ay naging luklukang episkopal din ng dating Diyosesis ng Todi.

Katedral ng Orvieto
Duomo di Orvieto
Patsada ng katedral
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
ProbinsyaTerni
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonDiyosesis ng Orvieto-Todi
KatayuanAktibo
Lokasyon
LokasyonOrvieto, Umbria, Italya
Arkitektura
UriSimbahan
IstiloItalyanong Gotiko
Groundbreaking1290
Nakumpleto1591
Websayt
http://www.opsm.it/


Ang Pagpuputong ng Korona sa Birhen na mosaic sa tuktok na gablete ng katedral
Bintanang rosas
Ang marmo na Pieta, si Madonna na Naglalamay sa Pinako sa Krus kasama si San Nicodemo

Ang gusali ay itinayo sa ilalim ng utos ni Papa Urbano IV upang gunitain at magbigay ng angkop na tahanan para sa Corporal ng Bolsena, ang relikya ng himala na sinasabing nangyari noong 1263 sa kalapit na bayan ng Bolsena, nang ang isang naglalakbay na pari na may mga pagdududa tungkol sa katotohanan ng transubstansiyasyon ay natagpuan na ang kanyang Ostia ay dumudugo nang labis na nabahiran nito ang tela ng altar. Nakaimbak na ngayon ang tela sa Kapilya ng Corporal sa loob ng katedral.

Mga sanggunian

baguhin