Katedral ng Piacenza
Ang Katedral ng Plasencia (Italyano: Duomo di Piacenza; Cattedrale di Santa Maria Assunta e Santa Giustina), ay isang Katoliko Romanong simbahan sa Plasencia, Italya. Ito ay itinayo sa pagitan ng 1122 at 1233 at isa sa pinakamahalagang halimbawa ng isang Romanikong katedral sa hilagang Italya. Ang pag-aalaay nito ay sa Pag-aakyat sa Langit kay Maria at kay Santa Justina. Ito ang luklukan ng Diyosesis ng Piacenza-Bobbio.
Arkitektura
baguhinAng katedral ay may kabuuang panlabas na haba na 85 m, at isang patsada na taas na 32 m, mga sukat na ginagawa itong pinakamalaking Romanikong simbahan sa Emilia-Romaña. Ang patsada, sa Veronese na rosas na marmol at ginintuan na bato, ay pahalang na hinati ng isang galeriyang nangingibabaw sa tatlong portada, na pinalamutian ng mga capitals at Romanikong na mga estatwa. Ang loob ay may nave at dalawang pasilyo, na hinati ng dalawampu't limang malalaking haligi. Ang mga kapansin-pansing fresco nito ay ginawa noong ika-14-16 na siglo nina Camillo Procaccini at Ludovico Carracci, habang ang mga fresco sa loob ng simboryo ay nina Pier Francesco Mazzucchelli, "il Morazzone", at Giovanni Francesco Barbieri, na kilala bilang "Guercino". Ang presbyteryo ay may eskulrurang kahoy mula 1479, kahoy na estanteng pangkoro ni Giangiacomo da Genova (1471) at ika-15 siglong mga estatwa ng paaralang Lombardo.
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na website Naka-arkibo 2009-04-03 sa Wayback Machine. (sa Italyano)