Katedral ng Pienza
Ang Katedral ng Pienza (Italyano: Duomo di Pienza; Concattedrale di Santa Maria Assunta) ay isang Romano Katolikong katedral na alay sa Pag-aakyat sa Langit kay Maria sa Pienza, sa lalawigan ng Siena, Italya.
Mula noong 1462, ito ang luklukang episkopal ng Diyosesis ng Pienza, pagkatapos mula noong 1773, ng Diyosesis ng Chiusi-Pienza, at mula pa noong 1986 ay isang konkatedral sa Diyosesis ng Montepulciano-Chiusi-Pienza.