Katedral ng Ragusa
Ang Katedral ng Ragusa (Italyano: Duomo di Ragusa, Cattedrale di San Giovanni Battista) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Ragusa, Sicilia, na alay kay San Juan Bautista. Ang kasalukuyang simbahan ay nagmula sa unang bahagi ng ika-18 siglo. Ito ay naging luklukan ng mga Obispo ng Ragusa mula nang maitatag ang diyosesis noong 1950.