Katedral ng São Paulo

Ang Metropolitanong Katedral ng Luklukan ng São Paulo (Portuges: Catedral Metropolitana, o Catedral da Sé de São Paulo) ay ang katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng São Paulo, Brazil. Simula noong 2013, ang Metropolitanong Arsobispo ng arkidiyosesis ay si Odilo Pedro Scherer. Ang konstruksiyon niyo, sa estilong neogotiko ay sinimulan noong 1913 at natapos matapos ng apat na dekada. Inihanda ito para sa pag-aalay sa ika-400 anibersaryo ng pagkakatatag ng dating munting villa ng São Paulo ni Hepe o Cacique Tibiriçá at mga Heswitang pari na sina Manuel da Nóbrega at José de Anchieta. Sa kabila ng simboryo na nasa estilong Renasimiyento, itinuturing ito ng ilan bilang ang ikaapat na pinakamalaking neogotikong katedral sa buong mundo.

Metropolitanong Katedral ng Luklukan ng São Paulo
Catedral Metropolitana de São Paulo
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
ProbinsyaArkidiyosesis ng São Paulo
Taong pinabanal1954
KatayuanAktibo
Lokasyon
LokasyonSão Paulo, Brazil
Mga koordinadong heograpikal23°33′04″S 46°38′04″W / 23.551168°S 46.634340°W / -23.551168; -46.634340 (São Paulo Cathedral)
Arkitektura
(Mga) arkitektoMaximilian Emil Hehl
IstiloNeogotiko
Groundbreaking1913
Nakumpleto1967
Mga detalye
Haba111 metro (364 tal)
Lapad (nabe)46 metro (151 tal)
Taas ng simboryo (panlabas)30 metro (98 tal)
Taas ng taluktok92 metro (302 tal)