Katedral ng San Juan Bautista, Iquitos
Ang Katedral ng San Juan Bautista[1] (Kastila: Catedral San Juan Bautista, Catedral Metropolitana de Iquitos)[2] tinatawag ding Katedral ng Iquitos[3][4] ay ang pangunahing simbahang Katolika sa estilong neogotiko sa lungsod ng Iquitos sa Peru, na may mahalagang halaga sa sentrong pangkasaysayan ng bayan. Partikular itong matatagpuan sa Sentro ng Iquitos sa interseksiyon ng mga Kalye Arica at Putumayo, at tahanan ni Obispo Miguel Olaortua Laspra.
Katedral ng San Juan Bautista | |
---|---|
Catedral San Juan Bautista | |
Lokasyon | Iquitos |
Bansa | Peru |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ito ay pag-aari ng Simbahang Katolika, at idineklarang Pamanang Kultural ng Bayan ng Peru noong 1996, at itinuturing na isang natatanging urbanong pook sa Iquitos.
Sa kasalukuyan, ito ang pinakamataas na templong relihiyoso, at isa sa mga pag-aari na nasa mas mahusay na kondisyon sa lungsod na iyon. Kapansin-pansin din ang Iquitos Cathedral bilang mayroong cripta.[kailangan ng sanggunian] Ang pagtatayo ng katedral ay nagsimula noong 1911 pagkatapos ng paggiba ng sinaunang templo at pinasinayaan noong Marso 16, 1919, at natapos ang kampanilya noong 1924.[kailangan ng sanggunian]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Cathedral of St. John the Baptist in Iquitos
- ↑ Rodríguez, Isacio R.; Fernández, Jesús Alvarez (2001-01-01). Diccionario bio-bibliográfico de los Agustinos en Iquitos, 1901-2001 (sa wikang Kastila). Centro de Estudios Teológicos de la Amazonia, CETA. ISBN 9788485985753.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Iquitos, capital de la Amazonía peruana (sa wikang Kastila). R. Rumrrill, Editor. 1983-01-01.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boletín de la Sociedad Geográfica de Lima (sa wikang Kastila). Sociedad Geográfica de Lima. 2004-01-01.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)