Katedral ng San Miguel Arkanghel, Piura

Ang Katedral ng San Miguel Arkanghel[1] ( Kastila: Basílica Catedral San Miguel Arcángel) tinatawag ding Katedral ng Piura ay ang pangalan ng isang gusaling panrelihiyon na kaakibat ng Simbahang Katolika na matatagpuan sa lungsod ng Piura[2] sa bansang Timog Amerika ng Peru.[3]

Katedral ng San Miguel Arkanghel
LokasyonPiura
Bansa Peru
DenominasyonKatoliko Romano
Pamamahala
ArkidiyosesisKatoliko Romanong Arkidiyosesis ng Piura

Partikular itong matatagpuan sa pagitan ng mga Kalye ng Huancavelica at Tacna, sa Plaza de Armas ng Piura. Ito ay itinayo noong 1588. Ito ay idineklara bilang isang Kolonyal na Makasaysayang Monumento ng mga lokal na awtoridad.

Ito ay isang templo na may mga elemento ng Neo-Renasimiyento na sumusunod sa ritwal ng Romano o Latino at ang inang simbahan ng metropolitanong Arkidiyosesis ng Piura (Archidioecesis Piurensis) na nilikha bilang isang diyosesis noong 1940 sa pamamagitan ng bula na "Ad christianae plebis" ni Papa Pio XII at Itinaas sa kasalukuyang katayuan nito noong 1966 ni Papa Pablo VI.

Ito ay sa ilalim ng panunungkulang pastoral ni Arsobispo José Antonio Eguren Anselmi.

Isa pang tanaw.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cathedral of St. Michael the Archangel in Piura
  2. Almanaque de Piura (sa wikang Kastila). Instituto Nacional de Estadística e Informática, Oficina Técnica de Estadísticas Departamentales. 2001-01-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jenkins, Dilwyn; Deere, Kiki (2015-10-01). The Rough Guide to Peru (sa wikang Ingles). Penguin. ISBN 9780241246931.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)