Katedral ng Siena
Ang Katedral ng Siena (Italyano: Duomo di Siena) ay isang medyebal na simbahan sa Siena, Italya, na alay mula sa mga pinakaunang araw nito bilang isang Marianong simbahang Katoliko Romano, at ngayon ay alay sa Pag-aakyat kay Maria.
Katedral ng Siena | |
---|---|
Metropolitanong Katedral ng Santa Maria ng Pag-aakyat | |
Duomo di Siena (Italyano) | |
| |
43°19′04″N 11°19′44″E / 43.3177°N 11.3290°E | |
Lokasyon | Siena, Toscana |
Bansa | Italya |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Tradisyon | Latinong Rito |
Websayt | operaduomo.siena.it |
Kasaysayan | |
Consecrated | 1215 |
Arkitektura | |
Estado | Katedral |
Arkitekto | |
Uri ng arkitektura | Simbahan |
Istilo | Gotiko, Romaniko, Klasiko |
Pasinaya sa pagpapatayo | 1196 |
Natapos | 1348 |
Detalye | |
Haba | 89.4 metro (293 tal) |
Taas | 77 metro (253 tal) |
Pamamahala | |
Arkidiyosesis | Arkidyosesis ng Siena-Colle di Val d'Elsa-Montalcino |
Klero | |
Arsobispo | Antonio Buoncristiani |
Provost | Roberto Pialli |
Archdeacon | Giovanni Soldani |
Opisyal na pangalan | Historic Centre of Siena |
Uri | Cultural |
Pamantayan | i, ii, iv |
Itinutukoy | 1995 (19th session) |
Takdang bilang | 717 |
State Party | Italy |
Region | Europe and North America |
Ito ang luklukang episkopal ng Diyosesis ng Siena, at mula noong ika-15 siglo ay ng Arkidiyosesis ng Siena. Ito ngayon ang luklukan ng Arkidiyosesis ng Siena-Colle di Val d'Elsa-Montalcino.
Ang katedral ay idinisenyo at nakumpleto sa pagitan ng 1215 at 1263 sa lugar ng isang naunang estruktura. Mayroon itong anyo ng isang Latinong krus na may isang maliit na pumapalabas na transept, isang simboryo, at isang kampanaryo. Ang simboryo ay tumataas mula sa isang hexagonal na batayan na may mga sumusuportang haligi. Ang simboryo ay nakumpleto noong 1264. Ang parol sa ibabaw ng simboryo ay idinagdag ni Gian Lorenzo Bernini. Ang kampanaryo ay may anim na kampanilya, kung saan ang pinakamatanda ay isinagawa noong 1149. Ang nabe ay pinaghiwalay mula sa dalawang pasilyo ng mga kalahating bilog na arko. Ang panlabas at panloob ay itinayo ng puti at maberde-itim na marmol na guhitan, na may pagdaragdag ng pulang marmol sa harapan. Ang itim at puti ay ang mga simbolikong kulay ng Siena, etiolohikal na naiuugnay sa mga itim at puting kabayo ng mga tagapagtatag ng maalamat na lungsod na Senius at Aschius. Mayroong tatlumpu't limang rebulto ng mga propeta at patriyarko na nakagrupo sa paligid ng birhen. Ang mga pinakamagaling na Italyanong artista ng panahong iyon ay kumumpleto ang mga likhang-sining sa katedral. Ang mga artista na ito ay sina Nicola at Giovanni Pisano, Donatello, Pinturicchio, Lorenzo Ghiberti, at Bernini.