Katedral ng Sta. Lucia
Ang Katedral ng Santa Lucia (Sinhala : කොටහේන ශාන්ත ලුසියා ආසන දෙව්මැදුර Kothahena Santha Lusiya Asana Dewumædura) ay ang luklukab ng Arsobispo ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Colombo sa Sri Lanka. Ang Katedral ay matatagpuan sa Kotahena, sa hilagang silangan ng Colombo, sa 18,240 sq. ft. ng lupa. Ang mga simulain nito ay mula pa sa maliit na estrukturang pansamba na itinayo noong pananakop ng mga Olandes.
Katedral ng Sta. Lucia | |
---|---|
Lokasyon | |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Sri Lanka Colombo Municipality" nor "Template:Location map Sri Lanka Colombo Municipality" exists. | |
Mga koordinadong heograpikal | 06°56′53″N 79°51′52″E / 6.94806°N 79.86444°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Obispo Hillarion Sillani P. Stanislaus Tabarrani |
Arkitektura
baguhinPinangalanan at inialay pagkatapos sa birhen at martir na si Santa Lucia, ang katedral ay itinuturing na pinakamatanda at pinakamalaking parokyang katedral sa Sri Lanka. Ang patsada ay mayroong malalaking haliging Ionico at pinalamutian ng pitong estatwa. Mayroong krus sa itaas ng kongkretong parol na nakapatong sa simboryo, ang tuktok ng katedral.
Ang loob ng katedral ay binubuo ng isang hilera ng mga gayak at mas malaki kaysa totoong laki na mga estatwa ng mga santo sa mga gilid na pasilyo, may eskultura at may mga detalyadong pagpupunta; marami sa mga estatwa na ito ay inilagay noong 1924 ng pari at artistang si Rev. Fr. J Milliner. Ang mga bukas na kumpisalan ay maselang inukit sa maiitim na kahoy ay inilalagay din sa mga pasilyo. Sa kaliwa, sa harapan ng santuwaryo, makikita ang isang natatanging madilim na balat na Madonna na tinawag na 'Mahal na Ina ng Kotahena', na ipinuprusisyon sa taunang pagdiriwang. Ang mga puting marmol na altar ay matatagpuan sa mga transepti ng simbahan na may mga relikyang nakalagay sa loob nila.
Nakalahad sa pangunahing dambana ay isang rebulto ni Santa Lucia na hawak ang kaniyang mga mata sa palad. Ang mga minantsahang salaming bintana kapag naiilawan ng sikat ng araw ay lumilikha ng isang panorama ng kulay na karagdagang nagpapahusay ng mga transepto ng simbahan. Sa isang malayong sulok ng simbahan ay mayroong isang bilog na binyagan ng puting marmol na may mga inukit na kerubin, at nakoronahan ng isang rebulto ni Juan Bautista. Sa pag-akyat sa makitid na hagdanan na humahantong sa luklukan ng koro, makakasalubong ang 'Anthony Thomas', isang napakalaking kampana na may bigat na 4300 lbs. Ang kampanilya ay may maselang pag-ukit ng mga detalyadong bulaklak na korona at mga banal na tauhan at simbolo ng Kristiyanismo, at ito ang pinakamalaki sa apat na kampana na ipinadala mula sa Marseilles at napasinayaan sa katedral noong 1903. Naglalaman din ang luklukan ng koro isang natatanging organong tubo na ibinigay sa katedral noong 1934.
Dakila ang tanawin ng katedral mula sa luklukan ng koro, na may episkopal na trono ng Arsobispo ng Colombo na nakatayo bilang isang marilag na bantayog sa santuwaryo sa ibaba.
Mahal na Ina ng Kotahena
baguhinNoong 1938, isang rebulto ng Madonna at Sanggol na Hesus ang dinala sa parokya at tinawag na 'Mahal na Ina ng Kotahena.' Ang estatwang ito ay iniikot sa mga kalye ng Kotahena sa isang prusisyon bawat taon sa buwan ng Mayo