Katedral ng Trani
Ang Katedral ng Trani (Italyano: Cattedrale di Trani; Cattedrale di San Nicola Pellegrino) ay isang Katoliko Romanong katedral alay kay San Nicolas ang Peregrino sa Trani, Apulia, timog-silangan ng Italya. Dating luklukan ng arsobispo ng Trani, ito ngayon ang luklukan ng Arkidiyosesis ng Trani-Barletta-Bisceglie. Ikinonsagrado noong 1143, ito ay isa sa mga pangunahing halimbawa ng arkitekturang Romanikong Apuliano.
Itinayo ito gamit ang lokal na bato ng Trani, tipikal sa rehiyon: isang kalsareong toba, na nakuha mula sa mga yungib ng lungsod, na nailalarawan sa pamamagitan ng kulay nito, na labis na magaang kulay-ros, halos puti.
Ang katedral ay nakikilala sa pamamagitan ng palabas na transepto nito at ng paggamit nito ng mataas na tulis na arko sa daanan sa ilalim ng kampanaryo, na kung saan ay hindi pangkaraniwan sa arkitekturang Romaniko.
Mga sanggunian
baguhinPinagmulan
baguhin- Rachele Carrino, 1996: Il mosaico pavimentale medioevale della cattedrale di Trani, in: "XLII Corso di Cultura sull'arte ravennate e bizantina, Ravenna: 1995 (CARB 42)" (pp. 175–214). Ravenna
- Rolf Legler, 1989 (ika-3 edisyon): Apulien (pp. 172 et seq). Cologne
Mga panlabas na link
baguhin- Pahina sa mondimedievali.it (sa Italyano)