Katedral ng Tricarico
Ang Katedral ng Tricarico ay isang Katoliko Romanong simbahang katedral sa lungsod ng Tricarico. Ito ang sentro ng Diyosesis ng Tricarico. Ang lungsod ay unang naitala na may obispo noong 968. Itinayo ni Robert Guiscard ang kasalukuyang gusali sa estilong Romaniko noong ika-11 siglo gamit ang isang regalo mula sa kaniyang pamangking si Roberto, Konde ng Montescaglioso. Si Louis I, Duke ng Anjou, ay kinoronahan doon noong 1383.