Katedral ng Udine
Ang Katedral ng Udine (Italyano: Duomo di Udine , Cattedrale di Santa Maria Maggiore) ay isang Katoliko Romanong katedral na matatagpuan sa Udine, hilagang-silangan ng Italya. Ito ang luklukan ng Arsobispo ng Udine.
Kasaysayan
baguhinAng konstruksiyon ng katedral ay nagsimula noong 1236 sa pamamagitan ng kalooban ni Berthold, patriarko ng Aquileia, sa isang plano na krus na Latin na may tatlong pasilyo at mga kapilya. Sinusunod ng estilo ng mga kapanahunang Francsicaning simbahan. Ang simbahan ay ikinonsagrado noong 1335 bilang Santa Maria Maggiore .
Noong 1348 isang lindol ang sumira sa gusali, na napanumbalik simula pa noong 1368. Sa pagkakataong ito, ang mas malaking nakaraang bintanang rosas sa harapan ay pinalitan ng mas maliit na umiiral sa kasalukuyan.
Sa simula ng ika-18 siglo isang proyekto ng radikal na pagbabago na kinasasangkutan ng parehong panlabas at panloob ang isinagawa sa kahilingan at gastos ng pamilya Manin. Ang tagadisenyo ay ang arkitekto na si Domenico Rossi, at ang gawain ay natapos noong 1735.
Mga pinagkuhanan
baguhin- Opisyal na website (sa Italyano)
- Museo del Duomo di Udine (sa Italyano)