Katedral ng Verona
Ang Katedral ng Verona (Italyano: Cattedrale Santa Maria Matricolare; Duomo di Verona) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Verona, hilagang Italya, na alay sa Mahal na Birheng Maria sa ilalim ng katagang Santa Maria Matricolare. Ito ang luklukang episkopal ng Diyosesis ng Verona.
Itinayo ito matapos mawasak ang dalawang simbahang Palaeo-Kristiyano sa parehong lugar buhat ng isang lindol noong 1117. Itinayo sa estilong Romaniko, ang katedral ay ikinonsagrado noong Setyembre 13, 1187. Ang estruktura ay kalaunang binago ng maraming pagsasaayos, ngunit ang plano ay nanatiling hindi nagbabago.
Mga sanggunian
baguhinMga panlabas na link
baguhin- Midyang kaugnay ng Duomo (Verona) sa Wikimedia Commons
- Opisyal na website (sa Italyano)