Nobela
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Hulyo 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay[1] isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng maikling kwento at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Kahulugan
baguhinAng kahulugan ng nobela ay isa ito sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng mga bata.
Layunin
baguhin- Magbigay ng kawilihan sa mga mambabasa
- Magpakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
- mapukaw ang damdamin ng mambabasa
- magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
- nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
- nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
- nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian
baguhin- pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
- dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
- pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
- kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
- maraming ligaw na tagpo at kaganapan
- ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
- malinis at maayos ang pagkakasulat
- maganda
- maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Elemento
baguhin- tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
- tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
- banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
- pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
- tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
- damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
- pamamaraan - istilo ng manunulat
- pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
- simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari
Uri
baguhin- Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
- Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
- Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
- Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
- Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
- Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
- Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Kathambuhay, nobela". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.