Kati ng magtitinapay

Ang kati ng magtitinapay, pangangati ng panadero, o galis ng tagagawa ng tinapay (Ingles: baker's itch[1]) ay ang malubha, malala, o talamak na pamamaga at pamumutlig sa kamay at baraso ng mga tapagluto ng tinapay. Idinudulot ito ng iritasyon mula sa harina, lebadura, at asukal. Katulad ito ng isa pang katulad nitong sakit na kilala bilang kati ng tindero ng groserya (grocer's itch sa Ingles), na isinasanhi ng pagkakadarang naman sa mga grano ng asukal.[1]

Bukod sa mga butlig at makating pakiramdaman, may lumalabas na madikit ngunit malinaw na likido. Nagkakaroon din ng bahagyang lagnat ang may ganitong sakit. Ginagawaran ito ng panlunas na ginagamit para sa eksema.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Baker's itch". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 73.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.