Katimugang Dobrudya

Heograpical na rehiyon sa Hilagang Silangang Bulgarya

Ang Katimugang Dobrudya o Timog Dobrudya (Bulgaro: Южна Добруджа, Yuzhna Dobrudzha o Добруджа, Dobrudzha lamang) ay isang lupain sa hilagang-silangan ng Bulgarya na binubuo ng mga pangasiwaang nayon ng Dobrich at Silistra na kapangalan din ng pinakamalalaking lungsod nito. Ito ay may lawak na 7,565 km² at may santauhang 358,000. Noong ito pa ay bahagi ng Romanya mula 1913 hanggang 1940 ito ay kilala sa tawag na Romanyano Dobrogea de sud, ang Kadrilater ("Patsiha"), o Dobrogea Nouă ("Bagong Dobrudya").

Ipanapakita sa mapang ito ng Romanya at Bulgarya ang kinaroroonan ng Katimugang Dobrudya o Kadrilater na diniinan ng kulay dilaw. Diniinan naman ng kulay pulaw ang Kahilagaang Dobrudya.
Mga lahi at pananampalataya sa Katimugang Dobrudya (1930)

Sa panimula ng makabagong panahon, ang Katimugang Dobrudya ay may santauhang pinaghalo ng mga Bulgaro at Turko na may ibang maliliit na lahi tulad ng Gagauz, Tartarong Krimeyano at mga Romanyano. Noong taong 1910, sa 282,007 na santauhan ng Katimugang Dobrudya, 134,355 (47.6%) ay mga Bulgaro, 106,568 (37.8%) Turko, 12,192 (4.3%) Hitano, 11,718 (4.1%) Tartaro, at 6,484 (2.4%) Romanyano.[kailangan ng sanggunian]

Ang Katimugang Dobrudya ay naging bahagi ng nagsasariling Prinsipalong Bulgaro mula 1878 at makalipas nito ng malayang bansang Bulgaro mula 1908 hanggang sa pagkatlo ng Bulgarya sa Ikalawang Digmaang Balkano, na kung kailan ito ay nasakop ng Romanya sa ilalim ng Kasunduan sa Bukarest noong 1913.

noong 1914, hiningan ng Romanya ang lahat ng may-ari ng mga lupain ng mga katibayan at ibigay sa pamahalaang Romanyano ang sangkatlo ng kanilang lupain o bayaran ang katumbas na halaga nito. Ito ay kahalintulad din sa [pagbabagong pansakahan]] sa Romanya noong nakaraan dantaon, kung kailan ang mga may-ari ng lupa ay kailangang ibigay ang sangkatlo ng kanilang lupain sa pamahalaan, na siya namang ipapamahagi sa mga magsasaka.[1] Ngunit sa Katimugang Dobrudya, ang mga magsasakang napamahagian ng mga lupain ay mga nakipamayan tulad ng mga libu-libong Aromanyano ng Masedonya, at ng mga Romanyano ng Balakiya, na nagbigay daan sa mungkahing ang pagbabagong pansakahan ay may layuning pagkamakalahi.[1]

Noong Setyembre 7, 1940, naibalik ang Katimugang Dobrudya sa Bulgarya sa ilalim ng Kasunduan ng Craiova. Ang kasunduan ay sinundan ng sapilitang palitang santauhan: humigit-kumulang 110,000 na mga Romanyano (halos 95% ay mga nakipamayan doon pagkatapos ng taong 1913) ang sapilitang inilikas palabas ng Katimugang Dobrudya, at may mga 77,000 na Bulgaro naman ang kailangang ilikas palabas ng Kahilagaang Dobrudya. Mangilang-daang mga Romanyano at Aromanyano ang naiwan sa kasalukuyan.[2]

Noong 1913-1940, sa panahon ng Kaharian ng Romanya, ang nayong ito ay kinakasakupan ng dalawang lalawigan: Durostor at Caliacra. Sa kasalukuyan, ang Katimugang Dobrudya ay binubup ng mga lalawigan ng Silistra at Dobrich.

Karagdagang kaalaman

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Theodore I. Geshkoff. Balkan Union: A Road to Peace in Southeastern Europe, Columbia University Press, 1940, d. 57
  2. „Problema Cadrilaterului - diferendum teritorial şi repere imagologice (1913-1940)”, George Ungureanu