Katya Chilly
Si Kateryna Petrivna Kondratenko (Ukranyo: Катерина Петрівна Кондратенко; ipinanganak noong Hulyo 12, 1978), na kilala bilang Katya Chilly, ay isang Ukranyanong mang-aawir at manunulat ng kanta. Ang kaniyang estilo ay isang pagsasanib ng world at new-age na musika.
Talambuhay
baguhinAng debut album ni Katya Chilly na Rusalki in da House (Mermaids In Da House) ay inilabas noong 1998, noong siya ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula siyang maghanda ng materyal para sa album noong 1996 nang palitan niya ang kaniyang pangalan ng entablado bilang Katya Chilly. Naging tanyag siya sa Ukranya pagkatapos ng Chervona Ruta nang maglibot siya sa buong bansa kasama ang mga kalahok nito.
Noong 1999, nakibahagi si Katya Chilly sa Edinburgh Festival Fringe ng Eskosya. Noong Marso 2001, nagtanghal siya sa higit sa 40 mga konsyerto sa Nagkakaisang Kaharian. Ang isang bahagi ng kaniyang pagganap ay nai-broadcast din ng British Broadcasting Corporation sa buong bansa.
Noong 2000, nagsimulang magtrabaho si Katya sa kaniyang pangalawang album na Son (Dream). Ito ay binalak na ilabas noong 2002 ngunit ang proyekto ay nakansela. Gayunpaman, ang album na ito ay impormal na ipinamahagi sa Internet.
Ang single ni Katya na "Pivni" (Roosters), sa pakikipagtulungan sa Ukrainian Records/Andrey Dakhovsky, ay inilabas noong Hunyo 2005. Kasama rito ang title track at mga remix na ginawa ng mga kilalang Ukrainian DJ (DJ Lemon, DJ Tkach, DJ Professor Moriarti, at iba pa).
Inilabas ni Katya Chilly ang kaniyang susunod na album walong taon pagkatapos ng una niyang album. Noong Marso 10, 2006 inilabas ng Ukrainian Records ang ikatlong album, Ya Molodaya (I Am Young).
Noong Oktubre 2007, sumali si Katya sa DJuice music tour at binisita ang pitong lungsod sa Ukranya.
Ang Ukranyanong website ng MTV[1] ay nagpahayag na ang ikaapat na album, Prosto Sertse (Payak, Puso), ay ilalabas sa Oktubre 2007. Gayunpaman, sa isang panayam para sa galainfo.com.ua, sinabi ni Katya na ang pagpapalabas ay ipagpapaliban hanggang 2008. Ito ay nananatiling hindi inilalabas.
Noong 2017, lumahok siya sa ikapitong season ng The Voice of Ukraine.
Noong 2020 lumahok siya sa Pambansang Ukranyanong Pagpili para sa Timpalak Pangkanta ng Eurovision 2020 na may kantang "Pich" ngunit hindi siya naging kuwalipikado para sa pinal.
Diskograpiya
baguhin- 1998 - Rusalki in da House
- 2002 - Son
- 2006 - Ya – Molodaya|Ya Molodaya
- 2008 - Prosto Sertse
Mga panlabas na link
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ http://www.mtv.ua Naka-arkibo 2007-11-09 sa Wayback Machine.