Kautusan ng Milano

Ang Kautusan ng Milano (Latin: Edictum Mediolanense, Griyego: Διάταγμα των Μεδιολάνων , Diatagma tōn Mediolanōn) ay ang kasunduan noong Pebrero AD 313 na pakitunguhan na nang mabuti ang mga Kristiyano sa loob ng Imperyong Romano.[1] Ang Emperador ng Kanlurang Romano na si Constantine I at si Emperador Licinius, na kumokontrol sa mga Balkan, ay nagpulong sa Mediolanum (modernong Milano) at, bukod sa iba pang mga bagay, sumang-ayon na baguhin ang mga patakaran patungo sa mga Kristiyano kasunod ng Edict of Toleration na pinasinayaan ni Empeadror Galerius dalawang taon na ang nakalilipas sa Serdica. Ang Kautusan ng Milano ay nagbigay sa Kristiyanismo ng katayuang ligal at isang pagbawi mula sa pag-uusig ngunit hindi ito ginawang simbahan ng estado ng Imperyong Romano. Nangyari iyon noong AD 380 sa Kautusan ng Tesalonica.

Busto ni Emperor Constantino I, Romano, ika-4 na siglo.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Frend, W. H. C. The Early Church SPCK 1965, p. 137