Ang Kei car, K-car, o kei jidōsha (軽自動車, literal na "magaang na awtomobil"), ay isang kategorya ng maliliit na mga behikulo sa bansang Hapon, kabilang na ang mga kotseng pampasahero, mga van (partikular na ang microvan), at mga maliliit na trak (pickup truck). Idinisenyo sila upang makasunod sa regulasyon ng pamahalaan ng Hapon hinggil sa klase ng sasakyan ayon sa sukat at laki at sa buwis at seguro. Sa karamihan ng mga lugar na rural, ang mga ito ay hindi kasali sa pangangailangan na patunayan na mayroong sapat na paradahan o garahe para sa ganitong uri ng sasakyan.[1][2][3] Ang natatanging klase ng kapakipakinabang na mga kotseng ito ay nilikha at pinaunlad upang maitaguyod ang motorisasyong popular sa mga tao pagkaraan ng panahon ng digmaan. Habang matagumpay ito sa Hapon, ang henero o kauriang ito ay pangkalahatang napaka espesyalisado at napaka maliit upang maging mapagkakakitaan ng pamilihang nagluluwas ng mga produkto.[4]

Ang Suzuki Wagon R, ang pinakamabentang kei car sa Hapon magmula pa noong 2003.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nunn, Peter (Enero–Pebrero 2005). "Minicars: Cheap and Cheerful". JAMA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2012-05-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: date format (link)
  2. "Owning a Car in Japan", ALTs in Sendai (via Internet Archive)
  3. "Small Things in Good Packages", Jerry Garrett, New York Times, Nobyembre 25, 2007
  4. Rees, p. 79