Si Keisuke Honda (本田 圭佑, Honda Keisuke, ipinaganak 13 Hunyo 1986) ay isang Hapones na manlalaro na futbol na naglalaro para sa club na Milan sa ligang Serie A at sa Pambansang koponan ng futbol ng Hapon. Siya ay isang attacking midfielder, ngunit kaya niya rin gumanap bilang ikalawang striker o isang playmaker.[3] Si Honda ay karaniwang tumatampok bilang isang manlalaro sa right wing sa kasalukuyang seryeng 2014-2015 ng Serie A. Siya ay kilala sa kanyang kakayanan sa paggawa ng mga free-kick, pag-dribol at abilidad bilang espesyalista sa dead ball.

Keisuke Honda
本田 圭佑

Si Honda na naglalaro para sa CSKA Moscow, 2013
Personal na Kabatiran
Buong PangalanKeisuke Honda[1]
Petsa ng Kapanganakan (1986-06-13) 13 Hunyo 1986 (edad 38)
Lugar ng KapanganakanSettsu, Osaka, Hapon
Taas1.82 m (6 tal 0 pul) (6 tal 0 pul)[2]
Puwesto sa LaroAttacking midfielder, Forward
Kabatiran ng Club
Kasalukuyang Koponan
Milan
Numero10
Karerang pang-Youth
1994–1998Settsu FC
1999–2001Gamba Osaka
2002–2004Mataas na Paaralan ng Seiryō
Karerang Pang-senior*
Mga TaonTeamApps(Gls)
2004–2007Nagoya Grampus90(11)
2007–2009VVV-Venlo68(24)
2009–2013CSKA Moscow94(24)
2013–Milan43(9)
Pambansang Koponan
2005Hapon U201(0)
2006–2008Hapon U2318(5)
2008–Hapon74(30)
* Ang mga appearances at gol sa Senior club ay binilang para sa pang-domestikong liga lamang at tama noon pang 30 Mayo 2015.

† Mga Appearances (gol)

‡ Ang mga National team caps at gol ay tama noong pang 3 Septembere 2015

Mayroon na siyang hindi kukulang na 60 international cap o pagtampok sa mga pandaigdigang laro mula pa noong 2008. Siya rin ay naglaro sa dalawang Pandaigdigang Kopa ng Futbol (2010 at 2014) at binoto bilang Manlalaro ng Torneyo sa Kampeonatong Asyano ng Futbol 2011.

Estadistikong Pangkarera

baguhin
Pambansang koponan ng Hapon
Mga taon Pgppkita Pita
2008 1 0
2009 10 3
2010 12 3
2011 8 2
2012 9 4
2013 12 8
2014 13 4
2015 14 10
2016 7 2
Kabuuan 86 36

Mga sanggunian

baguhin
  1. "FIFA World Cup South Africa 2010: List of Players" (PDF). FIFA. 4 Hunyo 2010. p. 16. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Mayo 2020. Nakuha noong 20 Abril 2014. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "National Team Squad". Japan Football Association. Nakuha noong 15 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Keisuke Honda Is Happy With Life At CSKA Moscow But Not His Position In The Line-Up". Goal.com. 28 Hulyo 2010. Nakuha noong 15 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.