Kelly Rowland
Si Kelendria Trene Rowland (11 Pebrero 1981) na mas kilala bilang Kelly Rowland ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta, aktres at personalidad na pantelebisyon. Si Rowland ay sumikat noong mga huling dekada nobenta bilang isa sa tagapagtatag ng R&B girl-group Destiny's Child na isa sa pinakabumentang girl group sa lahat ng panahon. Sa kanilang pamamahinga, si Rowland ay naglabas ng solo album na Simply Deep (2002) na bumenta ng 2.5 milyong kopya sa buong mundo[1] at nagprodyus ng number one single na "Dilemma" kasama ni Nelly gayundin ng international top-ten hit "Stole". Si Rowland ay umarte rin sa mga television sitcoms, at bumidad sa Freddy vs. Jason (2003) at The Seat Filler (2004).
Kelly Rowland | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Kelendria Trene Rowland |
Kapanganakan | Atlanta, Georgia, United States | 11 Pebrero 1981
Genre | R&B, pop, hip hop, dance |
Trabaho | Singer, songwriter, actress, television personality |
Instrumento | Vocals |
Taong aktibo | 1997–present |
Label | Columbia, Republic |
Website | kellyrowland.com |
Nang mabuwag ang Destiny's Child noong 2005, naglabas si Rowland ng kanyang ikalawang album na Ms. Kelly (2007), na kinabibilangan ng mga international hit "Like This" at "Work". Noong 2009, si Rowland ay naging host ng unang season ng The Fashion Show, at lumabas sa number one dance hit ni David Guetta na "When Love Takes Over". Ang tagumpay ng kanta ay nagtulak kay Rowland na subukan ang dance music sa kanyang ikatlong sariling album na Here I Am (2011) na lumikha ng international top-ten hit "Commander" at US R&B number-one "Motivation". Noong 2011, siya ay bumalik bilang judge ng eighth season ng The X Factor UK, at noong 2013 bilang judge ng third season ng The X Factor US. Ang ikaapat na album ni Rowland na Talk a Good Game (2013) ay inilabas noong 2013 na nakakita ng kanyang pagbalik sa kanyang mga pinagmulang "R&B".[2]
Sa kanyang buong karera na sumasaklaw ng 16 taon, si Rowland ay nakapagbenta ng 40 milyong record bilang solo artist at 60 milyong record kasama ng Destiny's Child.[3] Siya ay ginawaran ng mga nominasyon at award kabilang ang Grammy Awards, Billboard Music Award atvSoul Train Music Award. Si Rowland ay mayroon ring Hollywood Walk of Fame kasama ng Destiny's Child.
sanggunian
baguhin- ↑ Miller, Daniel (Agosto 30, 2011). "Kelly Rowland Signs with The Collective". Billboard. Prometheus Global Media. Nakuha noong Mayo 13, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mikey (Marso 26, 2012). "Kelly Rowland is making an R&B album this time". Popjustice. Nakuha noong Nobyembre 2, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.adelaidenow.com.au/entertainment/television/the-fourth-and-final-coach-on-the-voice-australia-2017-has-been-revealed/news-story/0d27b2b77ecadf4fe73b1b57d8462835