Kerima Polotan Tuvera
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2014) |
Si Kerima Puluotan Tuviera (16 Disyembre 1925 – 19 Agosto 2011) ay isang Pilipinong manunulat. Isinilang sa Jolo, Sulu, siya ay ipinangalang Putli Kerima. Ang kanyang tatay ay isang koronel sa sandatahang lakas at ang kanyang nanay ay nagtuturo ng ekonomiyang pambahay. Dahil laging pumapalit ng destino ang kanyang tatay, siya ay nakatira sa iba’t iabng lugar at nagaral sa pambulikong paaralan sa Pangasi, Tarlac, Laguna, Nueva Ecija at Rizal. Siya ay nagtaposng mula sa Far Eastern University High School. Noong 1934, ay nagaral sa ng pagiging nars sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa 1945 siya ay lumipat patungo Arellano University kung saan siya ay kumuha ng mga klase sa ilalim ni Teodoro M. Locsin. Siya ang naging tagapatnugot ng Arellano Literary Review. Ang edukasyon niya ay nahinto dahil sa sakit, kakulangan sa pera at pagkatapos ang kasal at limang anak. Ang ilan sa mga maikling kuwento niya ay nailimbag sa ilalim ng pangalan na Patricia S. Torres. Noong 1949 ay ikinasal niya si Juan Capiendo Tuvera, isang kaibigan at manunulat , kung saan siya’y nagkaroon ng sampung anak. Sa pagitan ng 1966 at 1986, ang kanyang asawa ay naglingkod bilang Executive Secretary ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang trabaho ng kanyang asawa ang nagpalapit sa kanya sa mg Marcos. Sa mga taon ng martial law, siya ag gumawa at naging tagapatnubay ng FOCUS Magazine at ang pahayagan na Evening Post . Nagturo siya sa Albay High School at Arellano University. Nagtrabaho siya sa Your Magazine, This Week at Seniors Red Cross Magazine. Ang maikling kuwento niya na The Virgin ay nag wagi ng dalawang gantimpala noong 1952- ang Free Press na may premyo ng 1000 pesos at ang Palanca Memorial Award. Sa 1957, siya ang tagapatnubay ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, isang aklat na may ingles at tagalog na kuwentong nanalo mula 1951-1952. Ang nobela niyang The Hand of the Enemy (1962) ay nanalo ng Stonehill Award kasama ng 10,000 pesos. Kabilang sa mga maikling kuwento niya ang “A Place to Live In”, “Gate”, “The Keeper”, “There’s a Teenager in the House”, “The Mats”, and “The Sounds of Sunday”. Ang “Adventures in a Forgotten Country” ang huli niyang koleksiyion ng sanaysay. Sa 1968 Siya ay naglimbag ng “Stories”, isang koleksiyon ng maikling kuwento na sinasabi niyang “thin harvest” sa dalawampung taon niyang nagsusulat. Sa 1970, isnulat niya ang “Imelda Romualdez Marcos, a Biography”. Sa parehong taon na iyon ay kinolekta niya ang 42 na snaysay mula sa mga taon bilang magsusulat sa Philippine Free Press at inilimbag sila na pangalang “Author’s Cicle”. Sa 1976 ay inedit niya ang “Anthology of Don Palanca Memorial Award Winners”. Sa 1977 ay naglimbag siya ng 35 essays, “Adventures in a Forgotten Country.” Sa 1990s ay inilimbag muli ng University of the Philippines Press ang kanyang mga gawain.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Pebrero 2014) |