Tipaan (ng kompyuter)

(Idinirekta mula sa Keyboard (computing))

Ang tipaan ng kompyuter, tipaang pangkompyuter, teklado ng kompyuter, o tekladong pangkompyuter ay isang mahalagang aparatong nagpapahintulot sa tagagamit ng kompyuter na makapagpasok o makapagtipa (makapagmakiniliya) ng mga panitik o karakter (mga titik at mga bilang) papunta sa loob ng isang kompyuter. Ito ang pangunahing aparatong pamasok para sa karamihan ng mga kompyuter. Sa larangan ng paggamit ng mga kompyuter, bahaging iminodelo ito sa tipaan ng makinilya, na gumagamit ng pagkakaayos ng mga pindutan o buton o "susi" upang gumanap bilang mga leber o dalawit na mekanikal o "pamihit", "pamalit", o pindutang butong elektroniko. Karaniwang mayroong mga karakter ang mga pindutang ito na nakaimpreta o nakalimbag sa ibabawa at bawat isa ay tumutugma sa isang nasusulat na simbolo. Subalit, upang makalikha ng ilang mga simbolo, nangangailangan ito ng pagpindot at ng sabayang pagdiin din sa ilang mga pindutan o "susi" o kaya magkasunod na pinipindot o diniriinan. Habang lumilikha ang karamihan sa mga susi o buton ng mga titik ng alpabeto, mga bilang, o tatak (mga panitik o karakter), may ibang mga susi o pindutang lumilikha ng mga galaw o nagsasagawa ng mga utos na pangkompyuter kapag diniinan o pinindot.

Isang tipaang pangkompyuter.

Kompyuter Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.