Ang Khawarij, na nagiging Khariji kapag isahan (Ingles: mga Kharijite, Arabe: خوارجKhawārij, literal na "ang mga lumabas";[1], na nagiging Khārijī kung isahan) ay isang kilusan noong panahon ng unang mga taon ng Islam. Wala na itong mga tagasunod sa kasalukuyan. Noong una, tinanggap ng mga Kharijite ang pamumuno ni Ali, subalit tumanggi pagdaka sa pamumuno nito upang suportahan ang pananaw na si Abu Bakr at ang kaniyang mga naging kahalili ang tunay na mga Caliph. Ang tanging pangkat ng masasabing mga "Kharijite" na umiiral pa sa ngayon ay ang mga Ibadi; subalit hindi itinuturing ng mga Ibadi na silay ay mga Kharijite. Ang karamihan ng mga Ibadi ay naninirahan sa Oman. Mayroong mas maliit na bilang nila ang naninirahan sa Alherya, sa Tunisia, sa Libya at sa Zanzibar. Sa kung minsan, ang katagang Kharijite (o Neo-Kharijite) ay ginagamit upang pantawag sa ilang mga pangkat ng mga teroristang Islamiko. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay ang Groupe islamique armé sa Alherya, o ang Takfir wal-Hijra sa Ehipto.

Mga sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.