Kimberly Bergalis
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Enero 2014) |
Kimberly Ann Bergalis (9 Enero 1968 – 8 Disyembre 1991) ay isa sa anim na pasyenteng na-impeksiyunan ng HIV pagkatapos bumisita sakanyang dentist na si David J. Acer, na kasalukuyan namang positibo sa AIDS. Ang insidenteng ito ay kauna-unahang tala ng clinical transmission of HIV.
Impormasyon Tungkol kay Bergalis
baguhinSi Kimberly ay panganay sa tatlong mag-kakapatid at ipinanganak sa Tamaqua, Pennsylvania bago pa sila lumipat ng kaniyang pamilya sa Florida noong 1978. Noong 1985, siya ay nag-aral sa University of Florida sa kursong Business. Habang siya ay nasa kolehiyo, nagkaroon siya ng seryosong relasyon sa dalawang naging kasintahan. Ini-report nia sa Florida officials noong 1990 na siya ay virgin na hindi pa nakakagamit ng IV drugs o nakatanggap ng blood transfusion.
Noong Disyembre 1987, pinatanggal niya sa kanyang dentist na si Dr. David Acer ang kanyang dalawang bagang (molars). Kasalukyan namang HIV-positive si Acer nang mga panahong iyon. Noong Marso 1989, nakaramdam ng mga sintomas ng HIV si Kimberly at na-diagnose dahil sa sakit noong Enero, 1990. Ayon sa inisyal na report ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), posibleng nakuha niya ang impeksiyon mula sa kanyang dentista at nagbigay tugon din naman kay Acer na sumulat ng open letter na nag-sasaad ng pag-iksamen kung na-impeksiyunan at positibo sa HIV ang mga naging pasyente ni Acer. Mahigit sa 1000 pasyente ang iniksamen ng Florida Department of Health and Rehabilitative Services at napag-alamang may dalawa pa palang pasyente na positibo sa HIV. Ayon sa CDC mayroong 10 pasyente na HIV positive at 6 sa 10 ay pinaniniwalaang may kinalaman sa kanilang dentista na si Acer.
Imbestigasyong Isinagawa ng CDC
baguhinAng CDC ay nagsagawa ng phylogenetic analisis para sa DNA sequences of the viral envelope gene. Napag-alamang ang viral sequences na galing sa limang pasyente kasama na si Bergalis, ay malapit ang pagkakaugnay sa viral sequences ng kanilang dentist. Ang iba pang pag-susuri ng CDC ay nagpatunay lamang na ang pagiging HIV positive ni Kimberly Bergalis ay maiuugnay o nagmula sa HIV infection na meron sa Acer.
Kaugnayan sa Pampolitika na Aspeto
baguhinNoong mga huling buwan ni Kimberly Bergalis, nabanggit ng maraming politiko at mga mamamahayag na ang kaso ni Bergalis ay isang halimbawa ng 'blameless' HIV infection na di-sadyang hinayaang mangyari dahilan sa mas nabigyang pansin ng CDC at healthcare industry ang mga isyu patungkol sa AIDS activists gay community. Sa obitwaryo ni Bergalis, ito ang sinulat ng mga opisyales ng National Review :
"...came to feel she had a special calling...to bring a glimmer of truth, however forlorn, into a debate characterized by confusion, denial, smugness, and suicidal self-indulgence... 'No sexual history' is how the jaded describe a chaste woman of 23 who, as Miss Bergalis explained to disbelieving interviewers, 'wanted to wait for marriage.' Marriage and its joys will never come for Kimberly Bergalis, but in her integrity and courage she affirmed that other things were also precious."
Si Bergalis ay aktibong nakilahok sa maraming proseso patungkol sa pagpapasa ng legislation na hihigpitan ang mga aktibidades ng kahit sino man lalo na ng mga empleyado na infected ng HIV. Bago binawian ng buhay si Bergalis noong 1991, kanyang ipinarating sa Congress ang kanyang suporta sa panukalang-batas na inisponsor ni Representative William Dannemeyer na nag-aatas na mag-sagawa ng HIV tests para sa mga healthcare workers, at pahintulutan ang mag doctor na i-iksamen ang mga pasyente kahit wala ang pahintulot ng mga ito.
Kontrobersiyang Posthumous
baguhinAng panahong namagitan sa dental procedure at pagkakabuo ng AIDS (24 months) ni Bergalis ay maikli lamang; Sa 1% ng infected homosexual/bisexual na mga lalaki at 5% ng infected transfusion recipients, umaabot ng 2 taon ang pagkalat ng impeksiyon ng AIDS sakanilang katawan.
Noong Hunyo 1994, ang CBS's 60 Minutes ay nag-ere ng programa na nag-sasabing si Bergalis ay ginamot dahil sakanyang genital warts, isang sexually transmitted disease, at ipinakita ang videotape na pinaniniwalaang siya ay nagkaroon ng seryosong pakikipag-talik sa dalawang lalaki na kanyang naging kasintahan. Ngunit wala sa mga lalaking ito ang HIV positive. Ang mga reporters mula sa programang 60 Minutes ay nagsaad na maaaring hindi naglabas ng tamang resulta ng genetic tests ni Bergalis na nag-sasabing may positibong kaugnayan ang kanyang HIV sa HIV ng kanyang dentist. Pinabulaanan lamang ito ng CDC at sinabing ito’y walang katotohanan. Bandang huli’y tinutulan ito ni Stephen Barr, isang peryodista na nagbigay kontribusyon sa nasabing programa.
http://en.wikipedia.org/wiki/Kimberly_Bergalis
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Enero 2014) |