Kimikang pang-medisina
Ang kimikang pang-medisina ay isang larangan ng pag-aaral sa pagsasama-sama ng kimika, lalo na sa organikong kimika, parmakolohiya at iba pang mga pang-biyolohiyang larangan na kung saan ginagamitan ng disenyo, pagbubuo ng mga kemikal, at pagpapaunlad ng industriya ng mga gamot at biyoaktibong mga molekula.
Ang mga kompuwesto na ginagawang mga gamot ay kadalasang mga organiko. Ang kompuwestong organiko ay nahahati sa madaming mga klase ng maliliit na molekulang organiko at biologics na kadalasan namang ginagamit sa gamutang preparasyon ng mga protina. Ang mga kompuwestong inorganiko at mga kompuwestong organikong metal ay importane bilang gamot.
Ang kimikang pang-medisina, sa madalas nitong mga proseso na nagtutuon ng pansin sa maliliit na molekulang organiko, ay kinakatawanan ng sintetikong kimikang organiko, aspekto ng mga likas na produkto, at kimikang kompyutasyunalna may malapit na pagsasama ng biyolohiyang kimika, enzymolohiya, at biyolohiyang estruktural. Ang kanilang pagsasanib ay naglalayon na makadiskubre at magpaunlad ng mga bagong gamot. Ito rin ay sumasaklaw ng mga aspeto ng pagkakakilanlang kemikal, at masusing sintetikong pagaayos ng mga bagong kemikal upang mas mainam itong magamit bilang gamot. Kasama rito ang sintetiko at kuwentahang aspeto sa pag-aaral ng mga makabagong mga gamot at kasapi ng pagpapaunlad na may kinalaman sa kanilang mga bioactivity upang maintindihan ang kanilang SAR (structure-activity relationships). Ang kimikang pang-medisina ay nagtutuon ng pansin sa kalidad ng mga gamot at naglalayon na masiguro ang kaangkupan nito para sa layuning makapaggawa ng mga gamot.