Kinesthetic learning

Ang kinesthetic learning o tactiles learning (salitang Ingles, literal sa wikang Tagalog: pagkatuto ng mga pandamdam) ay isang estilo ng pagkatuto kung saan ang pagiintindi ay nagaganap kapag ang estudyante ay gumagawa ng pisikal na aktibidad kaysa sa pagkikinig sa isang talakayan o pagnonuod ng mga demonstrasyon. Ang mga taong may kagustuhan sa kinesthetic learning ay mas kilala bilang do-ers o gumagawa. Ang modelong Fleming VAK/VARK (isa sa mga pinaka karaniwan at malawakang paraan ng pagbibigay ng kategorya sa iba't ibang estilo ng pagkatuto) ay naglaan ng kategorya para sa mga estilo ng pagkatuto sa mga sumusunod: 

  •  Mga natuto sa paraang nakikita
  • Mga natuto sa paraang nadidinig
  • Mga natuto sa napiling pagbabasa o pagsusulat  
  • Mga natuto sa kinesthetic

Kasaysayan

baguhin

Dati, ang katalinuhang kinesthetic ay kasama sa mga kakayahang pandamdam. Ito'y tinukoy at tinalakay ni Howard Gardner sa kanyang librong Frames Of Mind: The Theory of Multiple Intelligences. Dito, nilalarawan ni Gardner ang mga aktibidad (tulad ng pagsayaw at pagsagawa ng pagtitistis) na nangangailangan ng matinding katalinuhang kinesthetic: ang paggamit ng katawan para magawa ang isang bagay. 

Si Margaret H’Doubler ay nagsulat at nagsalita tungkol sa pagkatutong kinesthetic noong dekada 1940. Itinakda niya na ang pagkatutong kinesthetic ay ang abilidad ng katawan na ipahayag ang sarili sa paggalaw at pagsayaw.