Kipot ng Calais
Ang Kipot ng Calais o Kipot ng Dover (Ingles: Strait of Dover; Pranses: Pas de Calais) ay ang pinakamakipot na bahagi ng Bambang ng Inglatera. Ang pinakamaliit na awang sa kipot ay sa pagitan ng Timog Foreland (bandang Dover) sa Inglatera at Cap Gris Nez (bandang Calais) sa Pransiya. Ang pagitan ng dalawang baybaying ito ay pinakasikat na daang nilalangoy ng mga cross-channel swimmers dahil ang kalayuan ay umaabot lamang sa 34 kilometro.[1]
Kapag maaliwalas ang panahon, maaaring makita ang kabilang baybay[2] kahit walang telekopyo, at ang ilaw ng mga gusali sa gabi.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.