Ang Kipot ng Gibraltar (Ingles: Strait of Gibraltar) ay ang kipot na nag-uugnay ng Karagatang Atlantiko sa Dagat Mediterraneo, at naghihiwalay sa pagitan ng mga kontinenteng Europa at Aprika. Ito ay ipinangalan mula sa kinalalagyan nito sa timog ng Teritoryong Britaniko ng Gibraltar.

Larawan ng Kipot ng Gibraltar mula sa himpapawid. (Ang hilaga ay nasa kaliwa: ang Tangway ng Iberia ay nasa kaliwa at ang hilagang Aprika ay nasa kanan.)

Dahil sa kakiputan nito, ang pagtawid ng mga lantsa sa pagitan ng dalawang kontinente ay nakukuha sa loob ng 35 minuto.

Tignan dinBaguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.