Kipot ng Makassar
Ang Kipot ng Makassar ay isang kipot sa pagitan ng mga isla ng Borneo at Sulawesi sa Indonesia. Dinudugtong nito sa hilaga ang Dagat Celebes, habang sa timog ay Dagat ng Java. Sa hilagang-silangan, binubuo nito ang Look ng Sangkulirang, timog ng Tangway ng Mangkalihat. Ang kipot ay isang mahalagang ruta sa kalakal sa rehiyong Timog-silangang Asya.
Kipot ng Makassar Indones: Selat Makassar | |
---|---|
Location | Indonesia |
Mga koordinado | 0°0′0″N 118°30′00″E / 0.00000°N 118.50000°E |
Type | kipot |
Basin countries | Indonesia |
Mga isla | +100 |
Settlements | Balikpapan, Bontang (Kalimantan) Makassar, Palu, Parepare (Sulawesi) |
References | Macassar Strait: OS (Oceans) National Geospatial-Intelligence Agency, Bethesda, MD, USA |
Ang Ilog Mahakam at Ilog Karangan ng Borneo ay umaagos papunta sa kipot.
Ang mga pantalan sa kahabaan ng kipot ay kinabibilangan ng Balikpapan at Bontang sa Borneo, at Makassar, Palu, at Parepare sa Sulawesi. Ang lungsod ng Samarinda ay 48 km (30 mi) mula sa kipot, sa may Mahakam.