Kisapmata (pelikula)

Ang Kisapmata ay isang pelikulang drama na nilikha sa direksiyon ni Mike De Leon noong 1981. Ito ay nakakasagpang na salaysay tungkol sa pagtatalik na ugnayan ng isang ama sa kanyang anak na babae na nauwi sa kalunus-lunos na pangyayari.[1]

Kisapmata
Ang paskil ng Kisapmata
DirektorMike De Leon
PrinodyusRolando Atienza
SumulatClodualdo Del Mundo
Raquel Villavicencio
Mike De Leon
Itinatampok sinaVic Silayan
Charito Solis
Charo Santos
Jay Ilagan
MusikaLorrie Ilustre
SinematograpiyaRody Lacap
In-edit niJess Navarro
TagapamahagiKorporasyong Bancom Ausiovision
Inilabas noong
25 Disyembre 1981 (1981-12-25)
Haba
90 minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ang pelikulang ito ay hinango sa The House on Zapote Street (Ang Bahay sa Daang Zapote) na sinulat ni Nick Joaquin, na isa sa mga tampok na lathalain na inipon sa kanyang 1977 aklat na Reportage on Crime (Pagbabalita sa Krimen). Ang unang pangunahing trato ng pagtatalik ng mga kamag-anak sa isang pelikula Pelikulang Pilipino, ito ay may napamunang tagumpay at malakas sa takilya.[1]

Mga tauhan

baguhin

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Vic Silayan Sgt. Diosdado Carandang
Charito Solis Adelina Carandang
Charo Santos Milagros Carandang
Jay Ilagan Noel Manalansan
Ruben Rustia Peping Manalansan
Aida Carmona Onyang
Juan Rodrigo Ernie
Cora Alforja Cynthia
Dindo Angeles Mario
Edwin O'Hara Pulis 1
Mandy Bustamante Pulis 2
Mely Mallari Diomy
Monette Alfon Kasera
Teresita Sanchez Dra. Trinidad

Buod ng pelikula

baguhin

Si Dadong Carandang (Silayan), isang retiradong opisyal na pulis, ay napakapangabig sa kanyang anak na si Mila (Santos), na hindi siya pinapayagan ng kanyang ama na tumanggap ng mga sinumang manliligaw. Bagama't nagalit sa pahayag ni Mila ng kanyang pagbubuntis, pinayagan ni Dadong na magpakasal siya kay Noel Manalansan (Ilagan) pagkatapos makamit ang kanyang mga di-makatuwirang hiling ukol sa isang pasalap. Nakiusap si Dadong kina Mila at Noel na magpalipas ang kanilang gabing-kasal at mga araw kapagkuwan sa bahay ng mga Carandang, sa dahilan na maysakit si Aling Dely (Solis), ina ni Mila. Pauwi nang pabalik sa malalim na gabi, sinarhan si Noel ng bahay. Namumuhi, sumuong siya kay Dadong sa sumunod na araw subali't umalis na lamang na hindi kasama si Mila, na nasindakan upang pumirmi. Sinubukan ni Noel na tumawag kay Mila nguni't ang kanyang mga pagsusumikap ay binigo ng kanyang biyenan. Nagbalak si Mila na tumakas subali't pinigilan siya ng kanyang ina. Sinariwa ang alaala ni Mila na siya ay inuulit na ginagahasa ng kanyang ama. Sa huli, nilangan ni Mila si Dadong at nangasiwa sa pagtakas.

Sa sasal ng pagngangalit, nagwala si Dadong sa bahay ng mga Manalansan. Umuwi siyang nagpupuyos sa galit dahil nagtanan ang mag-asawa. Nagbanta siya na papatayin niya ang kanyang asawa na si Dely kung hindi niya ibabalik si Mila. Takot na takot, nakiusap si Dely sa ama ni Noel na kausapin si Dadong. Isang Dadong na malinaw na humihingi ng paumanhin ay hinimok ang ama ni Noel na pabalikin ang bagong kasal sa Maynila. Nang bumalik sina Mila at Noel sa bahay ng mga Manalansan, nag-udyok si Dadong na umuwi na sa kanila, nagsasabing ang kanyang ina ay muling nagkasakit. Umuwi si Mila kasama si Noel, nguni't upang mag-impaki lamang ng kanyang mga gamit. Nakiusap si Dadong sa kanyang anak na manatiling tumahan, subali't nagpasiya na siya na iiwan na niya ang tahanan. Nagdili-dili, na may malamig na kawalaan ng pag-asa, nilabas ang baril at pinatay niya ang kanyang asawa, si Noel, si Mila at ang huli, ang kanyang sarili.[1]

Mga gawad

baguhin

Gawad FAMAS

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1982
Nanalo
Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Charito Solis

Gawad Urian

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1982
Nanalo
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Vic Silayan

Pinakamahusay na Sinematograpiya
Rody Lacap

Pinakamahusay na Musika
Lorrie Ilustre

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Cesar Hernando

Pinakamahusay na Tunog
Ramon Reyes

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Jay Ilagan

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Charito Solis
Nanomina
Pinakamahusay na Direksiyon
Mike De Leon

Pinakamahusay na Editing
Jess Navarro

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Clodualdo Del Mundo Jr.
Raquel Villavicencio
Mike De Leon

Pinakamahusay na Pelikula

Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1981
Nanalo
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Vic Silayan

Pinakamahusay na Direksiyon
Mike De Leon

Pinakamahusay na Editing
Jess Navarro

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Clodualdo Del Mundo Jr.
Raquel Villavicencio
Mike De Leon

Pinakamahusay na Kuwento
Clodualdo Del Mundo Jr.
Raquel Villavicencio
Mike De Leon

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Jay Ilagan

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Charito Solis

Pinakamahusay na Pelikula


Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 M. Tajan, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 171

Mga panlabas na kawing

baguhin